Chapter 66: Spin the Bottle

834 32 4
                                    


Eunice's POV





"Congrats." Sambit namin sa dalawa ng makalapit ito sa table namin.

Alam niyo naman siguro kung sinong tinutukoy namin diba. Si Nicole at Steven lang naman.

"Thank you." Sambit ni Steven.

"Feeling ko mapapaos na ako. Stress na masyado ang boses ko." Sambit ni Nicole at umupo sa upuan.

Ayun, mukhang umaandar na naman ang kaOAhan ni loka.

"Anong iniinom niyo?" Tanong ni Steven at umupo na rin sa tabi ni Nicole.

"Wala. Beer beer lang." Sagot ni Ethan na nasa tabi ko.

"Bawal kasi akong uminom." Sambit ni Kyler at tiningnan si Chesca.

Napairap na lang si Chesca kay Kyler. Mukhang under si Kyler kay Chesca ha. Pero maganda na siguro yan, atleast may kinatatakotan si Kyler.

"Wala ba kayong planong mag-inuman?" Sambit ni Kuya Axel na sumusulpot lang bigla.

"Ahmf. Wala po." Sagot ko.

"Mukhang ang boring naman niyan kung ganun." Sambit ni Kuya Axel sa amin.

"Boring naman talaga Kuya, pero syempre nas importante ngayon ang desisyon ng girlfriend namin." Sambit ni Kyler na ikinatango ni Kuya Axel.

"Oh sige. Pero kung gusto niyong uminom punta na lang kayo sa bartender area, humingi na lang kayo." Sabi ni Kuya Axel. Grabe, bait niya talaga at sobrang gwapo pa.

"Sige po." Sagot naming anim.

Nang pag-alis ni Kuya Axel natahimik kaming lahat. Mukhang wala talagang balak uminom ang mga boys, ang beer kasi kanina na in cans tatlo lang kaya ubos na siya. Pero walang balak na dumagdag dahil alam niyo naman si Chesca ayaw sa mga alcohol.

"Ang tahimik ng table dito ha." Sambit ni isang kabandmate ni Steven kanina.

"Wala magawa. Dito ka na umupo." Sagot ni Steven at sabay Aya sa kaibigan niya.

"Wag na Steve. Dun na lang ako sa kabila nandun may nakita kasi kaming mga magagadang anghel kaya ayon tumable na yung dalawa dun." Sambit ng lalaki na may pagkapervert pala ito.

"Ah Sige." Sambit na lang ni Steven bago umalis ang kabandmate niya.

Natahimik na naman kami lahat. Mukhang walang balak na magsalita.

"WAIT!" Sambit ni Nicole na sumigaw pa talaga.

Kaya napatingin kami lahat sa kanya.

"Laro nga tayo." Sambit ni Nicole at pumunta sa kabilang table.

Ha? Anong ibig sabihin ng babaeng yun. Laro daw kami tapos pumunta sa kabilang table.

Bumalik naman si Nicole na may dalang bote.

"Anong pakulo mo?" Tanong ni Chesca kay Nicole.

"Spin the Bottle." Sambit ni Nicole na ikinatango namin. "Tutal bored naman tayo, just enjoy the game na lang." Dugtong niya sa amin.

"Game ba kayo?" Tanong nito sa amin.

"Game!" Sambit namin sa kanya.

"Okay. Let's spin the bottle." Sambit niya at pinaikot na ang bote sa table.

Go with the flow na lang tayo para hindi mabored.

"Eunice." Sambit ni Nicole na ikinagulat ko. Hala, sa akin pa talaga tumapat ang bote.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon