Epilogue

1K 38 49
                                    


1 year later...

Graduation Day

Kung saan ang malaking celebration na hinihintay ng lahat ng estudyante. Ito yung pinakahihintay nila, ito yung pinapangarap ng lahat. Dahil sa celebration na ito, masusuklian at mabibigyan ng hustisya ang paghihirap at pagsisikap sa buong school years at taon sa pagiging estudyante.

Binigay ang lahat, they takes their responsibilities as a student.

Hindi man perpekto, nagkakamali rin pero natuto.

Hindi man perpekto, nagkakamali din pero gragraduate silang lahat.

Ito na! Gragraduate na sila. Thomas University (Senior High School) Graduation Day.

"At this point, let us be all ears for his graduate speech Mr. Steven Javier SHS Dean's Lister Top 1 and with high honors. Please give hand around of applause." Sambit ng Emcee na ikinapalakpak ng lahat at ikinatayo ni Steven sa kayang upuan at umakyat sa stage.

Napabuntong hininga pa ito bago siya nagsalita sa kanyang graduation speech.

"Good day." Sambit nito at ngumiti pa. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ito sisimulan at kung paano tatapusin. Wala akong hawak na script, wala akong hinanda na speech ngayon. Dahil gusto ko impromptu kong sasabihin sa inyo kung ano yung laman ng puso ko." Sambit nito na ikinatango ng lahat. "Paano ba? Wait lang. Iniisip ko pala lang." Sambit nito ulit na tumawa pa.

Nagpalakpakan naman ang lahat pampalakas ng loob niya at tiningnan isa-isa ang mga mukha ng kanyang mga kaibigan upang makakuha ng lakas ng loob.

"Isa, dalawa." Sambit nito at ngumiti pa. "Dalawang taon tayong nagsama, dito sa Senior High School, hindi malilimutang kulitan, kopyahan, pagdadamayan at lahat lahat na." Dugtong nito. "Tatlo, apat." Sambit nito ulit at napabuntong hininga pa. "Apat na semestro tayo'y sinubok at pinatibay. From the two semesters of Grade 11, plus two semesters of Grade 12. At ngayon, ating natagumpayan at sama-sama tayong ngayon na gragraduate at magcecelebrate." Sambit nito. "Lima, anim." Sabi nito ulit. "Anim na taon rin pala tayo dito sa High School, 4 years sa Junior High, 2 years sa Senior High na feeling natin sobrang tanda na natin dito sa High School. Pero kahit ganun pa man. Be thankful dahil kahit natagalan tayo dito, andaming magandang experience at learnings na ating natatanggap at nalalaman." Dugtong ni Steven sa kayang speech. "Pito, walo." Sambit nito ulit. "Nahihilo, nalilito sa mga subjects na sunod sunod ang mga assignments, sa research defense na dapat ipaglaban, sa mga projects na dapat ay maipasa before the deadlines, sa mga events na dapat ay nandu'n ka dahil attendance is must, lahat ng yun ay nagbunga na ngayon." Dugtong nito. "Siyam at sampu." Sambit na naman nito. "Sampung buwan tayong nagsama sa loob ng isang school year. Pero sa sampung buwan na yun, ang pinakamaraming halakhak, iyak, patak, saya, tuwa, ngiti, at pawis na ating tinatanggap, pero anyways ano pa man ang mga katangian at emosyon ang sasabihin ko, hindi ko mabilang ang emosyon ang nararamdaman ko ngayon in short mixed emotions. Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon, at alam ko kayo rin, pareho tayong nararamdaman ngayon." Sambit nito na ikinatango ng lahat. "Sa pagkakataong ito dalawang emosyon ang nangingibabaw na kaya kung iexplain para sa inyo. Una, masaya. Sobrang saya dahil lahat ng paghihirap natin nagbunga na ngayon, ang saya lang makita na pareho tayong nakasuot ngayon ng toga, at hawak ang diploma. Ito na e, ito yung pinapangarap ng lahat na makapagtapos ng pag-aral at maabot ang pangarap. Ito yung pinagdasal natin para matagumpayan. Ito yung bunga ng ating pagpupuyat, pagsasakripisyo, paghihirap, at pagsisikap. Sobrang saya! Sobrang saya sa feelings na tayong lahat nandito ngayon nagkakaisa, at magkakasama sa huling samahan kung saan pareho tayong nakasuot ng toga at hawak ng diploma." Sambit ni Steven na ikinangiti niya. "Ikalawa naman, malungkot. Malungkot siya dahil ito yung huling pagsasama natin, dahil kailangan muna natin magfocus sa iba't-ibang professions, magfocus sa iba nating gusto, at siguro yung iba hindi na dito tutuloy o magcocollege, o yung iba lilipat na ng school. Kaya naman mamimiss natin ang isa't-isa, mamimiss natin ang lahat nating kalokohan, yung kulitan, pikonan, mga sigawan, kopyahan, bangayan mamimiss talaga ang nakagawian. Malungkot man isipin na hindi muna tayo magsasama, sana walang madulas dapat tayo lahat tataas para maabot ang pangarap." Dugtong nito. "I hope na kapag magkita tayo muli, hindi mawawala ang kawayan, kumustahan, at pansinan. At kahit ito man ang huling samahan. Pangakong maasahan hindi mawawala ang ating pagkakaibigan." Sambit nito ulit. "To all faculties, teachers, parents, friends, inspirations, thank you sa tulog niyo, thank you sa suporta dahil sa inyo nandito kami ngayon nakasuot ng toga at hawak ang diploma. My fellow students, my fellow graduates, CONGRATULATIONS!" Sambit ni Steven na ikinatayo ng lahat at ikinapalakpak ito.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon