Eunice's POV
♡♡♡
MATAPOS naming malaman na hindi nakatakas si Nicole sa class niya nagpasya na lang kaming magpalamig ng ulo.
Pero nakakaawa rin naman si Nicole. May class pa siya at History subject pa talaga. 'Yan pa naman ang hate subject niya.
Ewan ko nga kung bakit sinali pa 'yan sa curriculum subject na yan. History study of the past.
Nakakagigil! Kailangan pa bang pag-aralan 'yan? Kahit walang tayo? Kailangan pa bang balikan ang mga masalimuot na kahapon? Kailangan pa bang alalahanin ang mga araw at petsa at importanteng okasyon? Pero paano naman yung araw na naging kami? At sa oras na naghiwalay kami?
History naman oh!! Bwisit ka sa buhay ko. Pinaalala mo lang ang sakit na dapat kong kalimutan. Pero we need to accept na fact na kailangan talagang pag-aaral 'yan, hindi para maging hugot sa mga taong hindi makaka move-on kundi ito ay foundation kung paano tayo ngayon at bakit nasaktan tayo ngayon.
Charoott... Hays....
"HOY!" sambit ni Chesca sa akin.
'Yan kasi dahil sa history na yan naging lutang ako.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
"Hala siya? Amnesia agad te? MAGPAPALAMIG NG ULO!" sambit nito at sinigaw pa talaga ang huling sinabi.
Sana nga ganon lang kadali. 'Yong magkaamnesia din ang puso. 'Yong tipong iiyak mo lang 'yan, tapos bukas wala na. Wala ka ng feeling sa kanya. Okay ka na! Kahit makita mo siya, ngingiti ka na lang dahil wala na at hindi na siya naalala ng puso mo.
"ANO BA?!" sigaw na naman ni Chesca sa akin.
"MAGPALAMIG NGA!" sigaw ko rin sa kanya para naman makaganti ako sa ala megaphone niyang boses.
Nakakabwisit kasi.
Yes! Speaking of magpalamig. Ice Cream.
Lumabas na kami ni campus ng university at dumiretso na kami sa ice cream parlor na malapit lang dito sa university.
Papasok na sana kami ng lumabas si Mr. Manhid. And yes! Badmood ang mukha. Ay! Oo nga, palagi pala ito badmood in my whole day siya lang talaga ang sumira ng araw ko.
"Oh! Ano?! Bakit ka ganyan makatingin?!" taray na tanong ko.
"Paki mo ba." sagot niya.
"May paki-alam ako dahil ako mismo ang nakaramdam ng insensitive na tingin mo. Sobra ka makatingin may pinaplano ka ba?" taas kilay ko.
"Alam mo. Whole mo ako binibwisit babae ka! At whole day mo rin akong pinatibay para labanan ka." sabi niya sa akin na naiinis na.
"Bleeh!" sabi ko sabay irap at papasok na sana ako ng hinatak niya ako.
Kaya muntik na na man akong napaupo sa sahig.
"ANO NA NAMAN BANG PROBLEMA MO?!" sigaw ko sa kanya.
"Wala! Gusto ko lang sasabihin sa inyo na hindi kayo pwedeng pumasok." ngisi niya.
"Teka. Excuse me lang po Mr.----" sabi ni Chesca. "Manhid!" dugtong ko sa sinabi ni Chesca.
"Tsk!" smirk nito.
"Pero seryoso pi. Bakit hindi po kami pwedeng pumasok dito?" tanong ni Chesca at tinuro ang ice cream parlor.
"Dahil property namin 'to." Sagot niya.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Подростковая литература"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
