Chesca's POV♡♡♡
KASALUKUYAN akong nandito sa labas ng entrance gate ng University at pilit na kinukumbense si Manong Guard na papasukin ako.
"Sige na po Manong Guard, papasukin mo na ako." Sabi ko at nagmamakaawa pa nito.
"Hindi nga pwede! Alam mo naman sigurong No I.D, No Entry effectively today diba." Sabi ni Manong Guard.
"Alam ko naman po 'yon, pero sige na po papasukin niyo na ako kahit ngayon lang." Sabi ko nito.
"Eh nasaan ba ang I.D mo?!" Tanong ni Manong Guard na parang naiinis na.
"Nand'un kay----"
"Ahmf! Excuse me Manong Guard." Sambit ng babae sa likod ko, naputol nga ang sasabihin ko dahil sumingit ito. "Narinig ko po ang pinag-uusapan niyo? Mukhang bago pa kasi siya dito sa University, baka pwede mo siyang papasukin muna." Sabi ng babae.
"Pero Ms. Manicad. Hindi kasi pwede No I.D, No Entry is effectively today." Sabi ni Manong Guard kay Ms. Manicad diba alam ko ang pangalan niya.
"Ganito na lang, papasukin na lang natin siya. Baka hindi pa niya nakuha ang ID sa Student Council Office." Sabi naman ng babae na si Ms. Manicad.
"Nasaan ba ang ID mo?" Tanong ni Manong Guard.
"Hindi ko pa nga nakuha, kukunin ko sana ngayon." Sagot ko.
"Yun naman pala Manong Guard e, papasukin na natin siya. Don't worry hindi ka mamalagot." Sabi ni Ms. Manicad kay Manong Guard.
"Siguraduhin mo lang ha na hindi ako malalagot kung papasukin ko si Ms. Madrigal." Sabi ni Manong Guard na parang natatakot.
"Yes. Lakas ako sa mga Key Officials sa University dito e," Sabi ni Ms. Manicad. "Hali ka na." Sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko at pumasok na kami.
Sa paglalakad naman napatingin ako sa kanya at ngumiti na lang ako bago nagsalita.
"Thank you pala." Sabi ko at ngumiti.
"You're welcome." Sabi nito. "Bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita?" Tanong nito sa akin.
"Ahmf! Yes, second semester lang ako nandito." Sagot ko. "Ikaw ba?" Tanong ko naman.
"Ahmf! No. I'm the old student here. But last year nagpunta kami sa State. So, doon ko tinuloy ang pag-aaral ko. Sana nga may babalikan pa ako dito?" Sabi nito sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"By the way I'm Liyra. Liyra Manicad." Sabi nito sa akin at inalok ang kamay niya. "And you are?" Sambit nito.
Liyra Manicad? What?!
"Babe!"
Napalingon kaming dalawa sa likod kung sino ang tumawag, alam niyo na kung sino diba?
"Kyler?" Sabi nito at dali-daling pumunta sa direksyon ni Kyler si Liyra at niyakap nito.
Wala akong reaksyon sa mga nangyari sa kanya pero kita ko ang gulat sa mukha ni Kyler.
"Babe.l, I'm here na. Babe I'm back." Sabi ni Liyra kay Kyler na kita ang saya sa mga mata niya.
"Anong ginagawa mo dito?!" Akwardong tanong ni Kyler kay Liyra.
"Hindi ka ba masaya na nandito na ako?" Sabi ni Liyra. "Wala na bang tayo?! May iba ka na ba?" Tanong ni Liyra kay Kyler napabuntong hininga na lang si Kyler at tumingin sa akin.
Ano ba ang dapat kung maging reaksyon? Kaya napayuko na lang ako.
"Chesca!" Tawag nito sa akin nakita ko ang lalaking papalapit sa akin na may nakalagay na band aid sa gilid ng labi niya.
"Miko." Sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang mukha ni Kyler na parang nagulat sa paglapit ni Miko sa akin. Wala akong paki-alam na sabihan na naman akong malandi. Wala namang kami, at walang masama na makipagkaibigan kay Miko.
"Hatid na kita sa classroom mo?" Alok nito sa akin.
"Sure ba." Sabi ko.
"Ako na ang magdala sa mga libro mo." Sabi niya sa akin at kinuha ang mga libro ko.
Hindi ko na tiningnan ang mga mukha ng dalawa sa 'kin. Ang gusto ko lang kasing makaalis ako sa harapan ng dalawa.
Salamat kay Miko nandito siya, may rason akong umalis sa harapan nila.
"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin.
"Bakit naman hindi ako magiging okay?" Sagot ko.
"Kayo ba talaga ni Captain o pinagtritripan ka lang niya?" Tanong niya sa akin.
"Honestly. No! Walang kami, at hindi magiging kami. Napasubo lang ako sa nangyari kahapon." Sagot ko.
"So, kung ganun pala.... May chance ako sayo." Sabi nito na hindi nakatingin sa akin, napalaki na nga lang ang mata ko sa sinasabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
"Wala, pero kung payagan mo." Sabi nito na naman sa akin.
"Hindi kita maintindihan." Sabi ko sa kanya na napairap na may kilig.
Sino bang hindi kikiligin kay Crush diba.
"Ahmf! Okay lang ba?" Sabi nito sa akin ulit, na walang exact na mga information.
"Anong okay?" Tanong ko na naman.
"Okay lang ba na manligaw ako sayo?" Tanong nito sa akin na ikinalaki ng mata ko at ikinablush ng pisngi ko.
Hala! Lahat ng dugo ko tumaas gltalaga pupunta sa mukha ko.
"Pwede." Sagot ko sabay pasok sa room ko. At hindi na siya nilingon.
"Sure ka 'ha." Sagot nito at nagmamadaling umalis.
Ako naman. Oh My Gosh. Ano na ba to... Crush ba ako ng crush ko?
To be continued...
A/N
Kung sensitive ka, basa ka na lang ng ibang istorya. Open minded kasi ang hanap ko. Hindi perpekto at sensitibo.
PS.
Si AC Bonifacio na nga ang ating official na Liyra Manicad
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...