Ethan's POV♡♡♡
Hindi ito yung una kong POV. Kumbaga pangalawa na to. Sobrang happy lang dahil nakabalik ako dito para mapaliwanag ang lahat ng nangyari sa loob ng isang linggo na kinulong ako na wala man lang contacts kay Eunice.
Alam ko na walang perpektong relasyon, alam ko na may sasalungat talaga sa desisyon ko. At hindi ko aakalain na sariling ina pa ang nagiging hadlang sa pagmamahalan namin ni Eunice.
Oo! Aminado ako na hindi masyadong magustuhan ni Mom si Eunice, dahil noon pa lang Maya na ang bukam-bibig niya, hangga't naging kami ni Maya suportado niya ito, hanggang naghiwalay kami si Maya parin ang bukam-bibig nito.
Wala akong nakitang maganda dulot kay Maya. Siguro yung experience lang na nagmahal ka, pero sinaktan ka. Sa kanya ako natuto e. Sa kanya akong natuto na hindi lahat ng bumabalik pwede mong balikan. Bumalik nga siya dito, pero hindi na ako babalik sa kanya.
May nagmamay-ari na ng puso ko. May nagmamay-ari, walang iba kundi si Eunice yun. Ang babaeng papakasalanan ko, ang babaeng maging asawa ko at ang babaeng maging ina ng anak ko.
Masaya kami sa loob ng dalawang buwan bilang magkarelasyon. Kaya lang itong daan papuntang 3 months of love namin, ang daming hadlang.
Si Maya umeksina
Si Mom na nagbalik na
Silang dalawa pa talaga. Silang dalawa pa na sobrang minahal ko noon ang magpapalugmok sa akin ngayon.
Naalala ko na namin kung paano namin pinakilala ni Kuya Axel sina Eunice at Ate Jewel.
Akala ko yung time na yun ang pinakabonggang araw namin e. Yung tipong may naipakilala na kaming babae sa harapan nila. Akala namin matutuwa sila lalo na si Mom, pero siya pa ang nagiging bastos.
Siya pa mismo ang nagpapakilala na mas gusto niya maging future daughter in law si Maya kaysa sa girlfriend ko. Sobrang nakakainis lang, sobrang galit na ako sa time na yun habang hawak ang kamay ni Eunice na parang napapahiya pa sa hapag-kainan.
Si Dad, okay naman si Dad sa amin e. Suportado kami ni Dad sa lahat ng bagay. Suportado nila kami sa lahat.
Si Mom lang kasi ang nagiging tinik e, at nanghingi pa ng tulong kay Maya. Hooh!
××××
"MALAKI NA ANG ANAK NATIN! LEGAL AGE NA SILA KAYA DAPAT SILA NA ANG MAGDEDESISYON SA MGA SARILI NILA!" Sigaw na galit ni Dad.
Kahit nasa labas pa kami ng kwarto nila, rining na namin ang sigawan nila.
"HINDI NGA! TAYO PARIN! TAYONG ANG MGA MAGULANG NILA, ELIAS! AKO ANG INA NILA! KARAPATAN KO ANG PROTEKTAHAN SILA! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI!" Sigaw ni Mom sa akin.
"IKAW ANG HINDI NAKAKAINTINDI!" Sigaw naman ni Dad kay Mom.
"Anong nangyari dito?" Biglang sulpot ni Manang Josie dito sa taas.
"Ahmf! Manang, pwede po bang pakisabi nina Eunice at Jewel na hindi muna namin sila maihahatid, ipapahatid mo muna sila kay Kuya Rolly po." Sambit ni Kuya Axel.
"Sige. Puntahan ko lang sila." Sabi ni Manang Josie.
"Thank you po Manang. Aayosin lang namin to." Sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...