Chapter 117: Manliligaw

843 36 18
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

*Knock*

*Knock*

Dali-dali akong pumunta sa pinto at binuksan ito.

"Hello. Mahal ko." Sambit ni Steven sa akin na abot tenga pa ang ngiti.

"I miss you." Sambit ko at niyakap siya.

"Miss mo agad ako? Kahapon pa tayo nagkasama diba? Araw-araw naman kita kasama, at kapag hindi kasama oras oras din kitang tinitext." Sambit nito.

"Hindi ka naniniwala?!" Taas kilay na tanong ko.

"Syempre, maniniwala. Ikaw na ang nagsasabi e." Sambit nito at ngumiti na naman.

"Ano yan?! Landian lang!" Biglang sulpot ni Eunice.

"Hindi naman. Namiss ko lang si Steve."  Sambit ko sa kanya.

"Miss? Mukhang whole day nga kayo nagkasama kagabi tapos miss?" Sambit ni Eunice at umirap pa.

"Alam mo Eunice. Papasok na lang kami ni Steve sa school." Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Steve.

"Aalis ka na hindi dala ang bag?" Tanong nito sa akin.

"Sorry naman. Wait lang Steve, kukunin ko lang ang bag ko." Sambit ko.

Dali-dali pumunta sa kwarto ko kinuha ko ang shoulder bag ko.

Alam niyo naman siguro anong laman ng shoulder bag ko diba? pampaganda lang naman at isang notebook at ballpen.

"Tara na." Sambit ko ng makabalik sa labas.

"Sige, mauna na kami sa'yo Eunice." Paalam ni Steven at hinawakan ang kamay ko.

Grabe si Steve. Sobrang higpit ang pagkahawak niya sa kamay ko. Yung tipong hindi ka talaga makakabitaw as kanya.

Pagdating namin sa baba. Agad akong pinagbuksan ng pinto ng kotse ng boyfriend ko bago siya lumibot sa driver seat.

At ito na naman siya. Hinawakan na naman ang kamay ko habang ang isa ang nagmamaneho.

"Wala ka ba talagang planong bitawan ang kamay ko?" Tanong ko nito.

"Wala. Ayaw ko kasing bitawan ka." Sambit nito na ngumiti pa habang nakatingin ang paningin sa kalsada.

"Hawakan mo lang yan hangga't kayo mo akong ipaglaban." Sambit ko na ngumiti sa kanya na ikinangiti niya ulit.

"Ipaglalaban naman talaga kita." Sambit nito sa akin.

"Sana totoo na ipaglalaban mo ako. Pero, nakaset na kasi e. One month lamg ang kontrata natin." Sambit ko na ikinahinto ng kotse niya at tumingin sa akin na sobrang seryoso.

"Nicz, please. Ayaw ko munang marining yan. Ayaw kong marining yan galing sayo. Pwede bang ienjoy natin ang relasyon natin. Wag natin isipin na hanggang one month lang to." Sambit niya sa akin na ikinatango ko.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon