Chapter 53: Ethan's POV

1.1K 34 11
                                    


Ethan's POV







First time kong magkaPOV. Thank you so much author JCAJOLES. Sobrang saya ko na mayPOV na ako. Pero, kabaliktaran naman ang lahat ng nangyari sa amin ni Eunice. Mukhang galit pa rin siya? Sana pala hindi ko na lang yun sinabi? Bakit ba kasi sobrang seloso ko?

Naintindihan ko naman siya. Ang hindi ko lang maintindihan yung tipong may lumalapit na lalaki sa kanya, umuusok talaga ang ilong ko, umiinit ang dugo ko. Gusto kong manuntok.

Normal lang naman siguro na magselos diba? Lalo na't ang kinakausap ng GIRLFRIEND mo ay crush niya. Kaya nga ayaw kong ipakausap si Eunice kay Kuya Axel at Dylan. At mas lalong ayaw kong makitang mag-usap sila ng ex niya na si Dexter.

Napabuntong hininga na lang ako ng lumabas ng kotse si Eunice. Sabi niya she need space. Ano bang gusto niya? Gusto niya ba akong lumabas dito sa earth. Ayaw ko ng ganito. Ayaw kong magalit ang girlfriend ko. Siya na nga lang ang nagpapasaya at kakampi ko tapos papakawalan ko pa yun.

Ginarahe ko na ang kotse ko sa may parking lot dito sa Thomas University. Kilala ako dito sa school bilang Campus Heartthrob na ubod ng sungit at bully ng ibang student. Pero dati lang yun, nagbago na ako ngayon dahil sa babaeng tinamaan ako ng husto.

Sa totoo lang. Hindi naman talaga first day of school kami nagkita ni Eunice eh. Hindi yun ang first meet namin, first meet namin yung interview time nila dito para makapag-aral sa Thomas University.

~Flashback~

Nasa gate ako ng University ng may humintong taxi at iniluwal ang tatlong babae na ubod ng ganda pero mas nakuha ang atensyon ko sa babaeng sobrang fierce ang mukha yung tipong kaya kang tapatan at talunin sa laban.

"Wow. This is real?" Sambit ng isa na mukha may pagka fashionista pa ang dating.

"Oo nga. Dito na tayo mag-aaral kung papalarin." Sambit naman ng isa pa na mukhang may pagkamahinhin pa.

Kaya nagsimula na silang lumapit sa akin.

"Ahmf! Kuya nasaan po dito ang Senior High School department?" Tanong ng isang fashionista ang dating.

Hindi ko sinagot dahil busy ako sa katitigig sa babaeng mukhang may hinukaykay pa sa bag niya.

"Kuya naman. Sagutin mo naman ang tanong namin. Wag mong kang masyadong pahalata na crush mo si Eunice." Sambit naman ng isa.

"Huh?" Napakunot ang noo ng babae na tinitigan ko. At Napatingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Eunice pala. Eunice pala ang pangalan niya.
"Anong crush sinasabi niyo?" Tanong ni Eunice ng makalapit sa akin.

"Eh, mukhang crush ka ni Kuyang nakamasskara eh. Mukhang crush ka niya." Sambit ulit ni babaeng mahinhin.

"Ewan ko sa inyo. Pasensya ka na Kuya, mukha ikaw ang napagtripan mg mga Sissy ko." Sambit ni crush as akin at tuluyan na silang umalis.

~End of Flashback~

Yun ang first meet namin. Pero hindi nila ako nakilala dahil nakamaskara ako nun. Kailangan kasi eh dahil may party kami nun. Masquerade Party kung bago. Hindi lahat ng stupidents ang umattend sa mga panahon na yun dahil semestral break na kasi ang iba kanya-kayang uwi sa bahay nila. Kung baga Victory Party na rin para sa mga Students ng Senior High School na nakapasa sa 1st Semester.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon