Eunice's POV♡♡♡
*KRINGGG*
"Class Dismissed!" Sambit ni Ma'am Debbie sa amin, nagsisigawan naman ang mga kaklase ko at nagsilabasan na ang iba maliban sa mga kagrupo ko sa roleplay.
Inayos ko na gamit ko at nag-ayos na rin si Mr. Manhid sa tabi ko.
"Mr. Natividad. What's the plan?" Tanong ni Mr. Roque.
"Oo nga Mr. Pres. Wala ba tayong celebration? Tutal tayo naman na group ang nakakuha ng highest grade from role playing." Sabi ni Ms. Macaspac.
Napatingin si Ethan sa akin bago sumagot sa tanong.
"Sige ba? Saan tayo?" Tanong ni Ethan.
"Sa bagong bukas na restobar malapit sa ice cream parlor nina Kyler sa labas ng University." Suggest naman ni Ms. Lim.
"Okay. Mamaya 6pm. Magkita kita na lang tayo d'un." Sabi ni Ethan.
"Sige po. Mr. Pres." Sambit ng mga kaklase ko at nagsilabasan na sila.
Sumunod na rin ako sa kanila. Ilang hakbang pa ang aking nagawa.
"Ms. Madrigal." Sambit ni Ethan na ikinalingon ko sa kanya.
Hindi ako nagsalita, at hindi rin siya nagsalita. Kusa siyang lumapit sa akin na nagpaatras sa akin.
"Bakit?" Sambit ko.
"Thank You." Sabi niya sa akin sabay bigay sa ID ko. Wow! Bumait ang mokong.
Hindi ako sumagot kusa na akong tumalikod sa kanya ng bigla niyang hinawakan ang braso ko na nagpahinto sa akin.
"Tatalikuran mo na lang ba ako." Sabi niya sa akin. "Wala ka lang bang ibang sasabihin?" Dugtong nito.
"Ano bang dapat kung sasabihin?" Sagot na tanong sa kanya.
Humarap siya sa akin habang hawak parin ang braso ko. Kinuha niya sa kamay ko ang ID ko pero hinigpitan ko ito para hindi niya maagaw.
"Kukunin mo naman ba 'to? Binigay mo na 'to sa akin 'to diba? Bakit kukunin mo naman ulit? Papaasahin mo rin ba ako?" Tanong ko sa kanya.
Ewan ko kung bakit sobrang kalmado ako ngayon at nagawa ko pang magkipag-eye contact sa kanya.
Ito ba ang tama ng role playing kanina parang naging comfortable kang sabihin sa kanya lahat.
"Wag mo akong igaya sa ex mo, na niloko ka, sinaktan, iniwan o kaya pinaasa man. Isa lang ang salitang gusto kong marinig." Sabi niya sa akin.
"Thank you." Sambit ko. "Tapos na.... Bitawan mo na ako, ayaw ko ng gulo. Lahat ng sinabi ko kanina totoo lahat 'yun. At sana naman what you hear at what you see from our role play kanina, hindi ito lalabas sa classroom natin. Wag mong ipaalala ang lahat na ginagawa natin kanina, ayaw ko ng maalala 'yun." Sabi ko at napabuntong hininga na lang bago umalis.
Ewan ko. Bakit iba ang tama sa akin sa ginawa namin kanina. Bakit ba kasi sinasabi ko pa ang mga salitang 'yun.
Napadaan ako sa classroom ni Nicole ng nagsilabasan na rin ito nakasalubong ko si Steven.
"Si Nicole?" Tanong ko.
"Walang Nicole na pumapasok ngayon." Sagot nito sa akin at sabay suot ng Headset niya.
Hindi na ako nagtanong pa dahil wala nang silbi kung talak lang ako ng talak at wala namang sasagot.
Nang makarating ako sa classroom nina Chesca, may nakita akong lalaking naghihintay tinaasan ko siya ng kilay ng ngumiti siya sa akin.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...