Chapter 47: Sundo

1.2K 49 5
                                        


Chesca's POV












Monday ngayon, at kasalukuyan akong nag-aalmusal dahil papasok na ako ng school. Kung gusto niyong malaman ang beach outing namin, sulit naman siya dahil na kabonding namin ang isa't-isa, feeling ko nga yun ang simula ng pagkakaibigan at pagkakaintindihan namin sa tatlong mokong na yun.

"Chez. Nandito na si Kyler." Sambit ni Ate Anggie sa akin na kababalik lang ito sa dining room. Sumunod naman sa kanya ang poging mokong sa paningin ko.

"Bat ang aga mo?" Tanong ko sa kanya.

Nginitian niya lang ako bago siya nagsalita. "Eh, excited akong makita ang mahal ko eh." Sambit nito na ikinairap ko. "By the way. Flowers for you." Dugtong nito at binigay sa akin ang bouquet na tulips na kanina ay tinago niya sa likod niya.

" Dugtong nito at binigay sa akin ang bouquet na tulips na kanina ay tinago niya sa likod niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Thank you." Sambit ko ng tinaggap ko ito. "Pero, bakit may paflowers ka?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ba pwede? Ganyan kita kamahal, kahit hindi valentines bibigyan kita ng ganyan. Hindi mo ba nagustuhan?" Sambit nito sa akin.

"Gusto ko naman. Favorite ko nga tong tulips na to eh. Thank you babe." Sambit ko sa kanya.

Yes! Tama kayo Favorite ko ang tulips na flower. Eh, Ano naman sa inyo? At yes, babe ang endearment name namin. Eh, Ano naman sa inyo? Nakakasuka man sa pandinig ninyo, mas nakakasuka kayo. Mga inggitera.
Joke lang.... Hehehe peace....

"My Gosh Chesca. Babe talaga? Ang aga-aga naghaharutan kayo." Sambit naman ni Nicole na kararating lang na may dalang towel na nakalagay sa balikat niya.

"Hoy! Maligo ka na nga lang. Wag kang mainggit." Sambit naman ni Ate Anggie kay Nicole napairap na lang si Nicole bago pumasok sa bathroom namin.

"Kyler, kumakain ka na ba? Kumain ka." Sambit ni Ate Anggie kay Kyler.

"Wag na ate. Busog pa ako. Titingnan ko lang ang GIRLFRIEND ko nabusog na rin ako." Sambit ni Kyler na ikinairap ko ulit.

"Walay forever oy! Magbuwag ra mo! Bahala nga kayo diyan." Sambit ni Ate Anggie sa amin umalis kaagad.

[Walang forever! Maghihiwalay rin kayo!]

"Babe. Wala ba akong kiss?" Sambit ni Kyler sa akin ng pag-alis ni Ate Anggie. Inirapan ko siya dahil umaandar na naman ang pagkamanyak niya.

"Babe. Gusto mo ng suntok!" Sambit ko at pinakita ang nakakuyom kong kamay.

"Babe naman." Sabi nito na nagmamaktol pa.

"Bahala ka dyan Mr. Kyler Alfonso. Umaandar na naman ang pagkapervert mo." Sabi ko at umalis sa hapag-kainan at pumunta sa kwarto ko.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon