Chapter 106: Senyales

622 33 8
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

Alam na namin ni Nicole. Sinabi na ni Kyler sa amin kahapon na magkasama sina Ethan at Eunice ngayon.

Pero, secret na natin to ha. Secret lang natin ito baka kasi may nakakaalam baka kumalat na naman sa campus, at mapunterya na naman kami lalo na si Sissy Eunice namin.

Sa totoo lang. Hindi ko kayang magalit ni Ethan e, kasi siya kasi yung nagpaparealize kay Eunny at nagpapabago sa kanyang puso.

Andami na rin kasing pinagdadaanan sila, pero I know na malalampasan nila. I hope tuloy tuloy na to. I hope na titigil na ang mga hadlang sa mga buhay namin.

Lumabas ako ng kwarto ko na nakauniforme na.Friday ngayon at fly na naman bukas. Kaya Okay naman siya. Carry naman lahat ng gawain.

*Tit* *Tit* *Tit*

Dinukot ko ang phone ko at binasa ang text message.

Ito na naman siya.

Unknown number

+63975*******

Hi 🙃

Nakakasawa na talaga to e. Kung hindi 'hi' yung itext 'kumusta' with emoji rin. Sino ba to? Papatulan ko na ba to?

*Tit* *Tit* *Tit*

Unknown number

+63975*******

Kumusta? 🙃

Nabwibwis*t na talaga nito eh! Imbes na maging masaya ako dahil may smiley face pa sa dulo, hindi ko magawa dahil pabaliktad ito. It means baliktad din ang utak niya.

Napatingin naman ako sa lumabas sa kanyang kwarto na si Nicole. Wait! Hindi na naman to papasok? Grabe naman, walang time to study si girl. Mukhang may pupuntahin e, may lakad.

"Hindi ka papasok?" Tanong ko sa kanya.

"Ahmf! Hindi muna pupunta muna ako sa Marikina." Sagot nito.

"Anong gagawin mo dun?" Tanong ko.

"Basta!" Sambit nito sa akin.

"Ano nga sabi! May ka meet ka ba?" Tanong nito sa akin.

"Pupuntahan ko si Vin." Sabi nito na ngumiti pa.

"Ahmf! Okay." Sagot ko na lang.

Naikwento na ni Nicole sa akin ang lahat about kay Vin, at ang nakakaloka kambal niya pala si Steven.

Pero paano nangyari yun? Alam niyo na siguro ang sagot e. Kaya okay na siya. Naipaliwanag na lahat nila yun.

Pero sa totoo lang. Makikita mo pa rin ang lungkot ng mga mata ni Nicole ngay0n. Alam mo yung feeling na nagkita mo na nga siya pero nasa ibang buhay naman.

Hooh!

"Sige, mauna na ako. Bye." Sambit ni Nicole at nauna ng lumabas sa akin.

Hooh!

*Tit* *Tit* *Tit*

Binasa ko ang text message.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon