Chapter 107: Pagbitiw

757 32 48
                                        


Nicole's POV

♡♡♡

Todo pa rin ang patak ng ulan. At ito ako ngayon, tiningnan ng diretso si Steven.

"Steve. Ready na nga ako. Ready na akong magpapaligaw sayo." Diretsong Sambit ko sa kanya.

Napabuntong hininga na lang siya at tinuon na ang pansin sa kalsada.

"Ready ka na?" Tanong nito ulit.

"Oo nga. Ready na akong magpaligaw sayo." Sabi ko sa kanya.

Napabuntong hininga muna siya bago nagsalita. "E, tinanong mo ba na gusto pa ba kitang ligawan?" Sambit nito na ikinakunot ng noo ko.

"Hindi na ba? May iba ka na ba? May niligawan ka na ba? May Mahal ka na? Steve." Tanong ko sa kanya na ikinangilid na naman ng luha ko.

Napabuntong hininga na naman siya ulit. "Wala pa. Pero, hindi na pwede e." Sambit nito sa akin.

"Ano bang ibig mong sabihin Steve?" Tanong ko ulit.

"May nakatadhana na. May nakatadhana na sa akin." Sambit nito na ikinabagsak ng luha ko.

Hooh! Sobrang sakit. Sobrang sakit! Tama lang siguro to. Tama lang to sa akin dahil sobrang selfish ko noong nakaraan.

"Sorry. Pero, yun ang totoo. Kaya nga kami umalis ni Dad dahil may inaasikaso ------"

"Kasal? Inaasikasong kasal?" Tanong ko sa kanya na ikinatango niya.

Napaiwas na lang ako ng tingin at pinunasan ang luha ko.

Sobrang late ko na talaga. Sobrang late ko na dahil sa mga pangyayari.

"Ahmf! Steve pakihinto please." Sambit ko sa kanya.

"Huh? Umuulan pa kas------"

"Steve. Okay lang. Pakihinto na lang bababa ako." Sambit ko sa kanya.

"Nicz! Ang lakas ng------"

"Steve! Please! Please lang, ihinto mo na please." Sambit ko sa kanya na natumulo na naman ang luha ko.

Napabuntong  hininga na lang ito. Bago ihinto ang kotse niya.

Bumaba ako ng kotse niya kahit sobrang lakas pa ng ulan.

Wala e. Ayaw ko ng ganito. Naglakad ako sa kalsada na ito na tuloy pa rin ang patak ng luha ko. Hindi ko na iniisip ang lakas ng ulan. Okay nga ito, okay ito na dinamayan ako sa sakit ngayon.

"Nikki." Tawag ni Steven sa akin. Hindi ko yun pinansin. "Nikki!" Sambit niya ulit. "NICZ!" Sambit nito.

Wala akong planong lingonin siya. Ang gusto ko lang makaalis dito.

"NICOLE!" Sambit niya na ikinahinto ko ng hawakan niya ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay basang-basa na rin ito dahil hindi ito nagdala ng payong.

"Nicz----"

"Okay na." Singit ko sa kanya na ikinatigil niya. "Okay lang Steve. Kasalanan ko naman e. Siguro tama ka sobrang selfish ko talaga, hindi ko kasi lahat na appreciate lahat ng ginagawa mo dahil kay Vin e. Oo na kasalanan ko na. Kasalanan ko na lahat. Nasaktan kita kaya ka lumayo sa akin. Pero alam mo ba ng mawala ka, parang tumahimik ang mundo ko. Wala na yung Steven na kajam ko sa music, wala na yung Steven na binibwisit ako, wala na yung Steven na palaging nakasuot ng Headseat." Sambit ko na kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon