"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian.
Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati?
Away at b...
Sobrang dami ng nangyari, sobrang dami ng nagbago sa loob ng isang buwan namin dito sa Maynila nagbago ang inakala naming impossible mangyari.
Una na dyan ang pagmamahalan namin ni Ethan. Yes, tama kayo first monthsarry na namin ngayon. Wala naman akong gusto regalo na gusto matanggap galing kay Ethan dahil sapat na sa akin na mahalin niya ako ng mahalin hanggang dulo. Hindi ko nga inakala na mahuhulog ako sa kanya, hindi ko inakala na siya din pala.
Ikalawa naman ang pagtrending performance ng NewGen Band special mention na kay Steven at ang Sissy ko na si Nicole. Dahil sa pagsanib pwersa nila mas nakilala sila ng karamihan, grabe din tong dalawa eh. Ang daming ganap, ang daming naghahanap, at ang daming nagpapaautograph. Pero ang laki din ng pinagbago ng dalawa sa nakaraang mga araw dahil dati lang away at bangayan lang ang namamagitan sa dalawa pero ngayon mukhang nagkakasundo at nagkakaintindihan na.
Ikatlo naman ang patuloy na pagmamahal ni Kyler kay Chesca. At take note first monthsarry din nila ngayon. To be honest, noong una kasi, mukhang nalalabuan ako na umabot ang relasyon nila ng month dahil kilala naman natin si Kyler na certified playboy, manyak, chickboy, o kaya cheater. Hindi ko maiwasan mag-alala kay Chesca dahil kay Kyler pero parang nagbago na ang lahat dahil nakita ko ang pagpapahalaga at pagmamahal ni Kyler kay Chesca.
Ikaapat naman ang pagkakaibigan naming anim na minsan ng hindi ko pinapaniwalaan na magkabati kaming lahat. Sobrang impossible kasi noong una, pero ngayon masasabi mo na walang impossible.
Kaya nasa punto ako ngayon na tiningnan ang first photogether naming anim.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kinunan itong picture na ito ng matapos kumanta kami sa PPBar noong tumugtog ang NewGen Band.
Pero sana ganito na lang lahat. Sana masaya lang, wala ng sakit na mararamdaman. Sana kung ano man ang nasimulan noon na away at bangayan ay hindi na bumalik pa. At kung ano man ang hinarap namin sa kasalukuyan na walang bangayan na nagaganap kusang pagdadamayan lang ang alam ay sana mag-tuloy tuloy pa.
"Eunice. Mauna na lang kami ni Steven sayo, may dadaanan pa kasi kami eh. Kita na lang tayo sa meeting place. Bye." Sambit ni Nicole na nagmamadaling lumabas ng condo.
Yes, tama kayo. May bonding kami ngayon, magpicnic kaming anim bago kami babalik sa school dahil matatapos na rin ang suspension namin.
Ang laking pinagbago ni Nicole simula noong makilala sila, at mas lalong naging malapit siya kay Steven. Iba din kasi eh, iba ang power ng passion nila sa pagkanta. Ang passion lang kasi ang nagbubuklod para maging magkaibigan ang dalawang yun eh.
*KNOCK*
*KNOCK*
Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na dahil alam ko na si Ethan na yun.