✓ Chapter 2

807 69 48
                                    

Trinity

Maaga akong nagising at tumakbo kaagad papuntang school ng bigla nila akong tinawagan. Nakakainis man namagmamadali sa umaga ay kinakailangan kong makaabot doon dahil may importante daw na sasabihin si Sir Jezphire sa'min. Kakababa ko pa lang nang kotse ng napansin ko ang mga kotse nilang nakaparada sa parking area ng Southville. Mukhang mas maaga pa silang nagising ngayon araw at talagang nauna pa sila dito. Ngunit hindi ko sila masisi, galing pa ako sa Quezon samantala nandito lang ang mga iyon nakatira sa Las Piñas.

Di na ako nag-aksaya ng panahon at nagsimula na akong maglakad papasok. May mga estudyante na naman sa paligid pero hindi pa ganun karami dahil masyado pang maaga.

Pagdating ko nang principal's office. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago binuksan 'yun para makapasok. Agad ko rin silang nakitang nakaupo sa couch at mukhang naghihintay nga sa'kin.

"Hello! Good morning, Mr. Wexler." bati agad ni Sir Jezphire.

Tumango lang ako sa kanya saka tuluyan ng pumasok sa loob at lumapit sa kanila. Ngunit hindi pa kaagad ako umupo kung kaya ay huminto ako sa mismong harap nilang lahat saka direktang tinignan ang lalakeng nakaupo sa swivel chair nito.

"Ano ba talaga ang kailangan niyo? Bakit niyo ako pinapunta dito ng maaga?" seryosong wika ko.

Bahagyang siyang napaayos ng pagkakaupo, "Trinity Flynn Wexler, pinapatawag ko kayo dahil may ipapagawa akong napaka-importante."

"I thought our meeting last night together with Dad is adjourned."

"Indeed, yet, he called me right after our meeting."

"Trin, umupo ka na lang muna. Hayaan muna natin si Sir Jez magpaliwanag." sambit ni Chrizzy.

Mabigat na napabuntong hininga ako bago napagdesisyonang umupo na lang at hayaan siyang magpaliwanag. Tumayo din naman bigla si Sir Jez saka lumapit sa kinaroroonan namin habang inaayos ang suot nitong coat.

"Meron tayong gaganaping isang malaking event dito sa school. Bilang miyembro ng Student Council, kayong lima, kayo ang maghahandle nito. Malaki ang tiwala namin na makakaya niyong gawin ito. Lalong-lalo na ang Head Director ng SISFU." Sinulyapan niya pa ako ng tingin ng banggitin nito ang huling salita. Kahit hindi niya man sabihin pero alam kong tinutuloy niya ang sarili kong ama. Di na ako mag-iisip ng iba dahil siya lang rin naman ang Head Director ng paaralang pinapasokan namin. "Ayaw na rin namin madelay ang event na ito kaya pagkatapos akong makausap ni Mr. Wexler. Napag-isipan kong tawagan kayo kaagad."

"He didn't told me about this."

"Maybe, he just want to surprise you." tanging nasabi niya bago tumalikod para lumapit sa isang lamesa.

"Ano po bang event ang sinasabi ninyo?" tanong ni Kenny na umiinom na naman ng kape.

"Kinakailangan po ba talaga ang event na'to? Atsaka pa panigurado may dadarating na mga workshops para sa mga graduating students. Baka mahirapan kami sa tambak naming schedules." mahabang paliwanag ni Axel na nakakunot noo nakatingin sa likod ni Sir Jez.

"Yes! Dapat nga noon pa ito pinapatupad ngunit meron tayong minor problem sa school kaya hindi ito na ituloy." Humarap na ito ulit sa amin at may hawak na ng mga papeles. "Nagconduct kami ng survey para sa mga student's kung naging isang malaking influence ba ang ginawa natin nung nakaraang March."

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon