✓Chapter 25

147 36 55
                                    

WARNING:
This chapter will contain of some violence, mature scenes and strong parental guidance!

Someone

          "Boss, may nakuha na po kaming mga lead kung saan ang hideout po nila." rinig kong wika ni Lui.

Agad akong tumigil sa pagbasa ng mga dokumentong ginawan. Napatingin ako sa tauhan ko ng bigla siyang pumasok sa opisina. Tumayo naman siya ng matuwid ng magkasalubong ang tingin namin.

"Good. Make sure we have everything we need, including firearms. Load all of the guns, sharpen all of the blades, and get our bombs ready." awtoritadong wika ko habang seryosong nakatingin sa kanya.

Tumango siya, "Yes, boss..."

Yumuko pa muna sa'kin bago tuluyang tumalikod para umalis. Bumuntong hininga tumayo na rin naman ako mula sa pagkakaupo sa swivel chair. Sumalin pa ako ng inumin sa shot glass saka ako naglakad sa harap ng bintana ko.

Kailangan kong manalo sa laban na ito. Dapat nasa akin ang huling halakhak. Dapat ako ang magtatagumpay sa huli. Tama na ang ilang taon na pananahimik. Handa na ako sa laban na dapat tinapos ko na noon pa. Sapat na yung ilang taon na pagsasanay at pag-aaral sa ginagawa nila. Masyado ko ng kabisado lahat ng kilos niya. Pero, ngayon ako na naman ang pag-aralan niya dahil oras ko nang kumilos para tapusin siya.

Tumagay ako ng alak hanggang sa maubos ang inilagay kong alak sa baso. Napapikit ako ng maramdaman ang pagdaloy ng matapang na lasa ng alak sa lalamunan ko.

"I can't wait to shed some blood. I can't wait to kill you by myself. My time has come to shut you down, and everyone will bow down to their new alpha." Humalakhak ako ng malakas at tinapon ng malakas ang hawak kong baso.

"B-boss..." Napaayos ako ng tayo ngunit hindi ko siya nilingon. "H-handa na po ang kotse niyo. Mayamaya po ay magsisimula na ang auction sa underground."

Napalunok ako ng sariling laway at umubo ng mahina. Saglit na inayos ko ang suot bago humarap sa kanya. Mabilis siyang napayuko pero tinitigan ko lang siya at naunang lumabas ng opisina. 

Pagdating ko sa baba ay agad na pinagbuksan nila ako ng pinto sa drivers seat. Samantala nagsipasukan na din ang iba sa mga sasakyan. Pumasok na din si Lui sa passengers seat ng kotse ko kaya agad ko ng pinaabante ang sasakyan para makaalis.

"Lui, sisiguraduhin mong mananalo tayo laban sa kaniladahil kung hindi. Ikaw ang uunahin kong papatayin ngayong gabi." banta ko sa kanya habang nagdadrive.

"Y-yes, boss..." nauutal niyang tugon sa takot. " Wag niyo na pong alahanin. Malaki po ang naipon natin kung ikukumpara po sa kanila at mas malaki ang numerong nakaalan para sa atin."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela, "Good. I want this to be perfect. I want them to feel that the true alpha has awoken from his deep slumber."

Maaaring nabigo ako sa unang pagkakataon pero sa pangalawa. Sisiguraduhin ko nang hindi na ako mabibigo dahil nasa akin na ang alas para ipa saakin ang nararapatdapat na pinagmay-ari ko.

Pagdating sa underground ay agad akong nakaramdam ng kakaiba. Halos maghalo-halo na lahat ng emosyon ko kaya huminga pa ako ng malalim na hininga bago lumabas ng sasakyan. Binigyan din nila ako ng daan papunta sa venue kung saan magaganap ang isang napakalaking auction ngayong gabi.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon