Trinity
Nauna ako sa kanilang lahat pumasok sa Art Studio. Huwag niyo ng tanungin kung bakit. I just found myself here looking around and tried to composed myself within this different kinds of painting.
"Good morning, Trinity." Bigla akong napalingon sa taong iyon.
"Kenny." tukoy ko sa kanya.
Nakangiting pumasok siya sabay lapag ng mga gamit sa upuan saka lumapit sa'kin. Huminto siya sa tabi ko at tinitigan ang painting na sinusuri ko kanina.
"Ang aga naman natin dumating." aniya
"Maaga lang talaga akong nagising."
Tumango siya at hinaplos ang canvas, "It's Donovan Topher Wexler's Art." basa niya sa signature na nasa bandang dulo ng painting.
"I know...." tugon ko.
"Ano ang ginagawa mo sa painting ng ama mo, Wexler?"
"Nothing. Just staring it." kalmadong anscko saka humarap ulit doon. Tinitigan ko ang bawat stroke, halo ng mga kulay, at ang kwento ng painting iyon. "I can't even imagine that he can make this painting perfect than he is."
"The Art Of War, bakit?" takang tanong niya.
"It is..."
"Ang lalim naman masyado ng title niya. Ni wala akong nakikitang art of war sa ginawa niyang painting."
Natawa ako ng mahina sa kanya.
He can't see it. It's because he's not an artist. Hindi lahat ng painting sa isang tingin mo pa lang ay alam mo na ang pangalan sa ginawa nilang piece. Lagi ko itong sinasabi.
Art is unique and difficult to understand that's why you need to dig deeper than staring the colors and lines.
Nakakunot noo itong nilingon ako. Mukhang maigi niyang sinusuri at hinahanap ang tinutukoy ng painting ni Dad. Ngunit may kakaiba sa mukha niya. Para itong baliw na nakakunot noo na nakangiti.
"Maganda ba ang tulog mo?" biglang tanong ko.
Nabigla ito sa naging tanong kaya lumingon siya sa'kin saka malakas na tumawa. "If you only knew...."
Nakangiting tumatango at tinitap pa niya ang balikat ko. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Ngunit huminga lang ito ng malalim at tumingin ulit sa painting.
"Kung alam ko lang na ano?" punong-puno na pagtataka kong tanong ulit.
"I had a great night...." anas niya na parang baliw kaya mabilis na binatukan ko siya ng malakas sa ulo. Ngunit pinagtawanan lang niya ako "Trinity, naman! Huwag mong sirain ang araw ko."
"Ilang baso ng gatas ang nalasing mo, Bakla? Ang high-high mo!" pagsesermon ko.
Tinawanan na naman niya ako, "Hindi ako uminom ng gatas kaya masisiguro kong hindi iyon isang panaginip. Totoo lahat ng nangyari!"
"Nasisiraan ka na ba ng ulo?"
"Pero minsan kung totoo nga ang lahat." Bigla nga nagbago ang ekspresyon niya mula sa masaya ay naging malungkot ito. "Hihilingin mo talagang sana isang panaginip na lang lahat. Dahil ayaw mong tanggapin ang katotoohan."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...