✓ Chapter 33

110 36 23
                                    

Trinity

     Pagkatapos ng kalahating araw ay napagdesisyunan ng lahat na magkaroon ng paghahanda para sa Examination Week. Mahabang at mahirap ang exams kaya kailangan lahat magpahinga muna at pag-aralan ang lahat ng mga lessons nila. Samantala, bilang Student Council Officers, wala kaming ginawa kung di tumambay na naman sa opisina  Next week pa ulit ang mga competitions kaya standby muna kami. Mas makakabuti nga ganun dahil makakapagpahinga pa kami ng mas matagal.

Arts has no rules, but it has rules...

Napasanghap ako ng malalim na hininga at bahagyang napasandal sa upuan. Hinawakan ko pang ang gilid ng ulo ng maalala na naman ang weirdong babaeng iyon. Ngunit parang baliw man subalit hindi ko mapigilang na mapangiti sa kung paano niya naiintindihan ang totoong ibig kong sabihin.

Di talaga makapani-paniwala. Siya Ang kaunang-unang taong nakagawang alamin ng tama ang iniisip ko.

Mayamaya pa ay bigla akong napatingin kay Axel ng tumayo ito mula sa kinauupuan niya.

"Guys, mauna muna ako sa inyo." paalam niya.

"Where are you going, asawa ko?" Di pa umabot ng isang segundo ay may lumilipad ng libro sa ere. Halos napayakap na rin ito kay Chrizzy na nakahiga din sa couch. "Mahal naman! Delikado ang ginagawa mong 'yan eh"

"Oo, delikado pero ako yung delikado dito!" sambit ni Chrizzy.

Ngumisi lang si Frost sa kanya, "Pasensya ka na, Bunso. Mahal mo naman ako."

"Baka ngayon hindi na."

"Grabe ka! Mukhang magdidivorce na nga kami ng asawa ko. Tapos tayo na naman magbi-break."

Birong sinipa naman siya ni Chrizzy at tinapunan ng unan sa mukha, "Dun ka nga! Nakakaistorbo ka!"

"Saan ka ba kasi pupunta?" baling ng tanong niya kay Axel ng mapatingin ito, "Iiwan mo na lang ba ako dito?"

"Oo dahil maghahanap ako ng panibagong asawa at iiwan na kita." ganting biro ni Axel.

"Asawa ko, huwag!" drama ni Kenny.

Di siya pinansin nito at binalingan ako ng tingin ni Axel "Wexler, magtatraining muna ako  sa Sky Range. Baka may gusto kang ipapagawa sa'kin. Alam mo na kung saan mo ako hahanapin."

Tumango ako sa kanya bilang tugon saka ito patakbong lumabas ng opisina ng makitang hinabol siya ni Kenny.

Napailing-iling na lang ako ng ulo ng makitang nauntog si Frost sa biglaang pagsirado ng pinto ni Axel. Agad na nanibabaw ang ungol niya sa sakit pero hindi ko siya pinansin at napatingin sa babaeng nakahiga sa couch. Mukhang abalang-abala ito sa harap ng laptop at may ginagawa.

"Where did you go earlier?" seryosong anas ko.

Pero hindi man lang siya tumigil sa pagtatype o balingan ako ng tingin. Patuloy pa rin siya sa ginagawa na parang wala siyang planong pansinin ako.

"CHRIZZY. RAINE. VARGAS."

"What?" malamig niyang anas.

Tama 'yan. Tamang-tama lang.

Ano ba ang nangyayari sa babae na ito? Ni l
Kahapon ang saya saya pa niya pagkatapos pag-usapan namin ang tungkol sa Synyster Cooperation paper na nakita namin tapos bigla itong sumeryoso at hindi mo na makakausap. Meron talagang kakaiba sa kinikilos niya.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon