Chrizzy
Kasalukuyan kakatapos lang ng tryouts nila Kenny sa basketball. Agad akong nagpaalam sa kanila na mauuna akong uuwi. Wala naman kasi kaming klase dahil halos lahat ng mga estudyante ay may mga tryouts at auditions. At tamang-tama wala na rin kaming klase mamayang hapon kaya napagdesisyonan kong umuwi.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok at dumiresto sa kusina para uminom ng tubig. Kanina pa nanunuyo ang lalamon ko habang pinapanuod silang naglalaro. Ngunit parang hindi ganun ang tamang dahilan kung bakit nga ba nararamdaman ko ang bagay na ito. Ni napailing-iling pa ako ng ulo bago napagdesisyonang umupo sa harap ng kitchen counter.
"Napaaga naman ang uwi mo."
Napaitlag ako sa boses ni Mom, "K-kanina ka pa po dyan?"
"Hindi naman. Kakarating ko nga lang eh. Mula ako sa opisina pero parang masama ang pakiramdam ko." paliwanang niya.
"Should take your medicine, then."
Umupo siya sa tabi ko at pinatong ang dala sa ibabaw ng lamesa.
"Nah. I think I'll be okay." may kompyansa niyang anas bago ako tinignan. "How about you? Bakit biglaan naman ang pag-uwi mo ngayon?"
"I don't have class anymore."
"What? Parang naninibago kayo sa'yo ha. Kahit wala kang klase o vacant mo man ay hinding-hindi ka uuwi ng maaga. Mas gugustuhin mo pa nga manatili kasama ang tatlong itlog na 'yun."
"Mom.." pagsaway ko sa kanya.
Minaliitan niya ako ng tingin, "Tell me, what's wrong?"
"Baka nakakalimutan mong hindi kita tunay na ina."
"Hindi ko nakakalimutan pero wala na siya dito ngayon."
Napairap ako sa kanya at bahagyang bumuntong hininga pa. Binalingan ko ulit siya ng tingin ngunit tahimik lang siya na para bang hinihintay ang sasabihin ko.
Mukhang wala na nga akong magawa kundi ikwento sa kanya ang pangyayari. Ipinaalam ko din sa kanya ang nararamdaman ko ng makita si Vee at ang kaibigan niyang babae kanina sa gym. May kakaiba talaga akong nararamdaman. Yung tipong parang hindi ako kampante at nasisiguro sa mga pinapakita nila. Para silang mga tao na hindi ko dapat minamaliit dahil ikakapahamak ng pagkatao ko iyon.
"Para hindi siya tao dahil wala kang ganun nakikitang emosyon maliban sa pagiging kalmado niya."
"Baka naman nagkakamali ka lang."
Umiling-iling ako, "Kahit nung kanina, susugod na sana ang Evans na iyon sa isang recruit. Ngunit bigla siyang napahinto ng maramdaman niya ang tingin ni Vee na nakatingin sa kanya."
"Sinasabi mo bang parang nag-uusap ang mga mata nila?" paghuhula niya.
"Parang ganun na nga."
"Chrizzy, I think you are just overreacting like you did to all new students of Southville." Napabaling ako ng tingin sa kanya ngunit para niya akong kinakalaban sa tingin. "Or you feel a threat between them..."
"L-Like what? That they are---"
"As if someone was trying to steal him..."
Nanlaki ang mga mata ko sa kanya, "It's nothing like that. Ni simula nung lumipat sila sa SISFU halos lahat ng mga atensyon napunta na sa kanila."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Aksi| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...