✓Chapter 27

124 37 17
                                    

Chrizzy

         Sa wakas, pagkatapos ng buong araw natapos na din ang unang araw ng Chess Competition. Nakakapagod pa lang panuorin silang lahat maglaro buong magdamag. Kahit hindi man ako yung naglalaro pero parang ako pa ang nakaramdam ng sakit ng ulo't katawan.

Hindi ko na nga natuluyang napigilang mapaunat ng katawan bago tumayo mula sa kinauupuan ko. Ngunit ganun na lang din ang gulat ko ng bigla akong gulatin ni Kenny. Tawang-tawa naman siya sa kalukuhan nito samantala hinampas ko siya ng malakas sa balikat.

"Sira ulo ka ba, Frost?!" iritang sambit ko habang inaayos ang mga papers na tracker ng Chess.

"Well, siguro, pero hindi! Ang gwapo ko naman para maging sira ulo." pagyayabang niya kaya biro ko siyang tinulak. "What? And plus, I've got straight win. Dapat lang magcecelebrate ako!"

Humarap na ako sa kanya at binigyan siya ng pang-asar na tingin. Pinagkrus ko pa ang mga braso sa dibidib para ipapahiwatig sa kanyang kontra ako sa lahat ng mga sinabi niya. Ngunit matapang lang niya akong sinalubong sa tingin ko. 

"For your information, Mr. Kenny Dez Frost."

"Yes? That's my pretty name."

Napairap ako, "Stop being annoying.."

Ngumisi pa siya, "I'm not..."

"I would like you to know. You still have more duels to win. Don't celebrate too early." Sabay tulak sa noo niya gamit ng hintuturo kung saan alam kong maiirita siya sa'kin.

"Bunso, ano ba!" 

Tinawanan ko lang siya, "Sabi ko na nga ba eh."

"Yeah! And I know that. As if, naman na may makatalo sa'kin eh noh?"

Napailing-iling na lang ako ng ulo sa kanya habang nagsisimula ng lumabas ng venue. Bahagyang narinig ko pa ang sandaling pagmura bago ito humabol sa'kin sa labas. 

Tumataas naman ang  isang kilay ng may walang kwenta naman siyang sinasabi kaya di na ako nag-abalang lingunin ito.

"Alam mo, Bunso. May napapansin lang ako sa'yo."

"Ano na naman ang napansin mo, KUYA? Maganda na ba ko?" ganteng yabang ko.

Inilapit niya ang mukha sa'kin kaya parang lumiyad ang katawan ko. Ngunit bigla din niya akong tinawanan sa mismong pagmumukha.

"HINDI!" malakas na pagkakasigaw niya.

"Hindi? Kung ganun isa na pala akong ganap na dyosa ngayon?" natatawang dagdag ko.

Diring-diri siyang tumingin sa'kin saka biro akong tinulak papalayo. Napadaing naman kaagad ako sa sakit at bahagya pang nagulat kaya sinamaan ko siya ng tingin. Mabilis ko siyang nilapitan para hampasin siya, pero mabilis itong umiwas at tumakbo.

"Kenny! Bumalik ka ditong bakla ka!" bulyaw ko.

Bwisit! Di pa ako nakabawi nung nakaraan tapos ito na naman?! Anak ka ng napakaraming bakla Kenny! Kailan ka pa maging lalake?! Naiirita na ako!

Tumakbo na din ako para habulin siya ngunit sadyang mabilis talaga tumakbo ng baklang kenny na ito. Ngunit mabuti na lang talaga at napatid ito kaya nagawa ko siyang habulin. 

"Aray! Aray! Bunso, masakit!" sunod-sunod niyang reklamo ng pinaghahampas ko siya sa hawak kong mga papel. Subalit parang natatawa pa rin ito sa pinagagawa ko. "Pikon agad?Afritada ko ha?"

"Anak ng! Ako pa ang magluluto? Ikaw na nga yung may kasalanan tapos ako pa ang mahihirapan! Bwisit ka talaga!" Hahampasin ko na naman sana siya pero mabilis niya akong napigilan.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon