Kenny
Napabalikwas ako ng gising ng biglang nakaramdam nang pananakit ng ulo. Dahan- dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at pinilit na makatayo para makalabas ng kwarto upang kumuha ng tubig. Ilang beses pa akong napadaing sa kirot habang naglalakad. Kaya, pagdating ko sa kusina. Minamadaling naghanap ako ng gamot naiinumin ngunit nabigo ako at hindi ko makita ang medicine kit.
Nakakuom ipinatong ko ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. Bahagyang niyuko ko ang ulo at pilit na kinakalaban ang sakit. Ilang mura ang napakawalan ko sa isip ng sa pagkakaalam ko sa sariling hindi ko kakayanin ang nararamdamang sakit ngayon.
Mukhang wala na akong magagawa. Kailangan kong maging sagabal muna sa kanila. Parang wawasak na talaga yung ulo ko sa sobrang sakit.
Para akong lasing naglalakad papasok pabalik sa loob kwarto para kunin yung cellphone. Ngunit paglapit ko sa kama pabagsak akong umupo sa gilid habang inaabot ang phone na nasa side table. Hirap na hirap kong tinawagan ang number ni Axel saka sinandal ang ulo.
Sobrang bigat ang paghinga ko at sa pakiramdam na mawawalan ako ng malay sa kahit anong oras.
Apat na ring pa lang ang narinig ko at sinagot na kaagad niya yung tawag.
Inaasahan ko na iyon sa kaniya ko na ang murang bungad niya. Sino pa naman tatawag sa ganitong oras, hindi ba? Baka yung mga mag-jowa lang.
"F*ck! Kenny! Natutulog pa ako!" bungad niya sa'kin.
"S-sorry, Ax. B-but I need y-your help."
Nahihirapan pa akong tapusin ang salita na 'yan sa sobrang bigat ng pang hinga ko. Kaya, alam kong mapapansin niya iyon. Wala akong nagawa kundi mapamura na lang at hinihilot ang sentidong habang kausap siya sa telephono.
"Kenny? Are you okay?" nag-alalang wika niya. "You sound exhausting."
"No, I-I'm not okay." exhausted as I said.
"Okay?! Sira ka ba? Huwag mo kong gawing tanga!"
"Sumasakit lang yung ulo ko. Pakiramdam ko para akong mawawalan ng malay."
"Fine! Fine! Stay calm. I'll be there in a few minutes."
Narinig ko pa siyang tumayo sa kama bago tinapos ang tawag. Ibinaba ko rin naman yung cellphone at sinuklay ang buhok. Mas napadiin ako sa pagkakasandal sa gilid ng kama habang kinakalaban ang sakit. Ngunit 'di nagtagal napagdesisyonan ko ring tumayo at lumipat sa kama para humiga ulit.
Bakit ba kasi sumali pa sa kanila magbasketball kahit alam kong masama na talaga yung pakiramdam ko kahapon. Pagkatapos namin kahapun ihatid yung dalawang lalake sa disciplinary bumalik agad kami sa taas. Umattend lang kami sa huling klase tapos bigla pa naman akong hinamon ng dalawa.
Kasalanan 'to nilang dalawa ni Chrizzy at Axel! Pinagtulungan pa naman akong asarin! Kakampante nilang ang isa't isa dahil wala si Trinity kahapun kaya ang lakas nilang mang-asar.
Maya't maya pa ay dahan-dahan akong nagising ng may narinig akong pagkatok mula sa labas ng pinto, kasabay 'nun ang pagbukas nito.
Narinig kong nagsalita ito at tinatawag ang pangalan ko. Alam ko na agad kung sino ang pumasok dahil sa boses niya. Naramdaman ko ang paglapit niya sa kinaroroonan ko ng tuluyan itong makapasok sa loob ng kwarto.
"Oh? Ano na? Bakit naman sumakit yang ulo mo? 'Di ka ba nagpapahinga ng maayos?"
"Nakapagpahinga naman pero mukhang napuruhan lang kahapon." malumanay kong sagot.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...