Harriz
Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang nakayakap din siya sa akin. Ayaw niya akong umalis pero kailangan ko. Kailangan kong pumunta sa isang lugar at nag-aalala siya para sa akin. Gusto ko ang paraan ng pag-alala niya pero kailangan kong gawin ang trabaho ko.
Masuyo kong hinalikan ang tuktok ng ulo niya at napaangat naman ang tingin niya sa'kin. Nakasimangot pa rin ito kaya hindi ko kayang umalis.
"Please take care." malambing na wika niya.
Tumango ako, "I will, Love..."
"That place is not dangerous."
"I know..."
"But she's dangerous." paalala niya.
Napangiti akong ginulo ang buhok niya. "So, you better prepare my coffin, then."
"Harriz! Seryoso ako."
"HAHA! I'm just teasing you."
"Well, I am not laughing."
"Don't worry, Love. I will take care of myself." At binigyan siya ng mabilis na halik sa labi niya dahil baka matukso ako.
It's hard to resist her.
"Ba't ba kasi hindi mo pwedeng isama si Lui?" pangungulit niya na naman.
Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya dahil sa sobrang gigil ko sa kanya. Napasigaw naman siya kaya pinisil ko na lang ang ilong nito.
"It's not part of her plans. She asked me to go alone. We need to follow her." paliwanag ko ulit sa kanya. Napairap siya at alam kong hindi ito sangayon sa gusto ng babaeng iyon. "Don't be so stubborn, Love. You know I can handle this. Just stay here and keep safe. Naalala mo naman siguro ang nangyari sa'yo nung nakaraan? At ayaw kong mangyari ulit iyon."
"Bakit? Alam ko naman na ililigtas mo 'ko ulit. Bakit ako matatakot?" asar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang niya ako.
"Yet! I need you to take of yourself."
Mahinang tumango siya, "I love you..."
"Tsk! I love you too, but I have to go."
Hinalikan ko ulit siya sa labi sa huling beses bago pumasok sa kotse para makaalis.
Tahimik at seryoso akong nagmamaneho patungo sa lugar na sinabi niya. Kinuha ko ang cellphone na dala para bigyan siya ng mensaheng papunta na ako. Ngunit wala man lang akong natanggap na kahit anong reply mula sa kanya.
Itinapon ko na lang ulit iyon sa kabilang upuan ngunit pagkalipas ng mga ilang minuto ay nakatanggap na rin ako ng reply niya. Napahugot pa ako ng malalim na hininga saka mas lalong binilisan ang pagmamaneho. Mabuti na lang at mas maaga ang piniling oras niyang magkipagkita sa'kin kaya kaunting traffic lang ang nadaanan ko.
Mayamaya ay nakarating na nga ako sa lugar na sinabi niya. Nakakakilabot dahil sobrang matataas na puno ang madadaan mo palang dito. Pero mabuti na lang maayos ang daan dito. Hindi na ako nagtaka kung bakit kinatatakutan silang lahat. Hindi lang pala siyang simpleng babae dahil nagawa niyang mag-aral sa isang pinakamayaman na paaralan.
Tulad sa habilin niya, hindi ako lumapit ng isang kilometro mula sa mismong building ng paaralan dahil siguradong may makakaalam na may kakaiba sa'kin.
Nagpark ako ng higit pa sa isang kilometro para walang makakita. Nakababa na ako ng kotse at binigyan siya ng isang mensahe para ipaalam na nandito na ako. Wala pang ilang segundo ay nagreply din kaagad siya.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...