✓Chapter 90

55 4 22
                                    

Maureen

     "Hindi mo ba nakikita yung oras, Maureen?Bulag ka ba o nagbubulagan lang? Nakita mo naman sigurong wala ng araw?" 

Kakapasok ko pa lang sa pinto agad na akong binungad ng bunganga ni Vee. Umakto akong hindi ko siya narinig at tuluyan ng sinirado ang pinto sa likod saka pasimpleng lumakad papasok patungo sa kwarto.

She's like my mother when she talks like that. Tsk! But on the other side, I never felt any kind of love or any kind of feeling of having a parents.

Maswerte pa rin si Vee kahit na pinatay ang ina niya noon at naging dahilan kung bakit dinala siya sa loob ng Incorporated. Ang organisasyon na kung saan dinadala ang mga taong nakukuha at mahanap nila para sumali sa kakaibang pamumuhay. That's why, if I were you, don't let them find you.

Hindi ko siya ulit pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa napatigil ako ng bigla niya akong tinapunan ng unan sa ulo.

"KINAKAUSAP KITA!" sigaw niya.

Dahan-dahan akong lumingon at walang emosyon siyang tinitigan. Hindi siya nagpapatalo. Seryoso at galit niya rin ako tinitigan habang nakataas pa ang isang kilay.

"ANO?!"

"Lalagyan ko talaga yang bibig mo ng ducktape kapag di mo pa hihinaan ang boses mo." kalmadong kong wika pero may pagbabanta.

"Aba! Hindi mo 'ko matatakot diyan, Maureen! Magrarambulan talaga tayo dito." gante niya.

At biglang pang tumayo sa mismong ibabaw ng couch. Mabilis na pinulot ko ang unan na tinapon niya kanina at itatapon ko din sana iyon sa kanya. Pero hindi ko naituloy dahil nagpose ito na parang kakalabanin talaga ako.

"Sumasakit ang ulo ko sa'yo, AI46." sambit ko at itinapon na lang ang unan sa couch. "You are too much than Quinton."

"Tsk! Quinton and I are different..."

"Liar!" bara ko agad na kinainis niya.

Sinamaan niya ako ng tingin habang nakatayo pa rin sa ibabaw ng couch at nakapamewang.

"Ugh! Nakakainis ka! Kung pwede lang ko sana magmura. Minurahan na kita!" pasigaw na naman niyang wika.

Nakipagbalikat ako saka pumasok sa kwarto. Naramdaman ko naman siyang napaayos ng upo at binabaan ang volume ng TV.

Tinapon ko sa isang tabi ang dala at humarap sa salamin para hubarin ang suot na uniporme. Napakainit kanina pero mas pinili ko pa ring suotin ang blazer niya dahil masyadong nakikita ang tinatago ko kapag hinubad ko iyon. Hindi naman talaga sa tinatago ko iyon kundi ayaw ko lang na kahit sino ang makakita nun. Lalong-lalo na napakababae kong tao sa paningin nila pero may ganito ako.

"Saan ka nga pala galing? Nakita ko kanina si Cavalari pero hindi kita nakitang kasama siya." rinig kong wika niya habang nag-aayos ako.

"Hindi naman siguro kailangan na magkasama kami buong magdamag... just like us."

Ang haba na rin pala ng buhok ko pero ayaw kong gupitin ito. Sayang lang yung pinaghirapan ko para lang maalagaan ito ng mabuti.

Ito ang nagsisilbing panaga o takip ko sa bagay na tinatago ko sa katawan. Minsan mahirap din kapag may misyon akong undercover. Kailangan talagang makuha mo ang imahe ng i-cocover up. Napakahirap nga suotin kapag naka wig kapag mahaba ang buhok. Kaya madalas si Vee ang humahawak sa mga ganung misyon. Hindi dahil sa tamang-tama lang ang buhok niy. Ngunit talagang magaling siya pagdating sa bagay na 'yun.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon