Trinity
Sa lahat ng mga games o competition na ginagawa namin. Ito lang siguro ang mas mabilis at hindi ganun kahirap hawakan. Dahil iisang araw lang ang aabutin at hindi tatagal hanggang dalawang araw o higit pa.
Kasalukuyan kakapasok pa lang namin sa loob ng hall kung saan magaganap ang Math Quiz Competition. Ngunit halos lahat ng mata nasa amin na nakatingin. Magkasabi kaming apat at agad kaming umupo ni Chrizzy sa assign seat para sa aming dalawa habang sina Kenny at Axel naman ay umakyat sa taas ng stage.
Sila ang magiging facilitator ng Math Quiz kaya sila umakyat doon. Isa sa mga dahilan kung bakit parang may oras silang makipagharutan kahapon.
"Sa tingin ko hindi naman ganun kahirap ang trivia nila ngayon." wika ni Chrizzy at inabot yung white board na nasa harap namin.
"Yabang ha." biro ko habang nakangisi sa kanya.
Agad siyang napalingon sa'kin at hinampas ako sa braso.
"Hindi ako mayabang, Wexler! Kasalanan ko bang nag-aral ako ng mabuti kaya mas madali lang ito para sa'kin." Pumalag siya sa'kin ng bigla kong tinakpan ang bibig niya gamit ng mga palad ko.
"Ssh! Raine, mouth!" saway ko sa kanya.
Napatingin din naman siya sa paligid ng maramdaman ang mga titig ng mga tao. Sunod na hiyang-hiya siyang napatakip ng white board sa mukha. Samantala napasandal ako at nagpipigil ng tawa dahil sa kanya.
"Damn! Nakakahiya! Nahahawa na siguro ako kay Kenny." nahihiya nga niyang sambit habang nagtatago sa likod ng white board.
Magsasalita na sana ako ng bigla akong nakarinig ng tawa mula sa stage.
Sabi ko na nga bang maririnig iyon ni Kenny ang boses niya. Tawang-tawa talaga yung loko habang hawak-hawak ang tyan sa kakatawa. Si Axel naman ay nasa titulo at nakayukong pinipigilan na tumawa ng malakas.
"Pambihira ka talaga, Frost." bulong na sigaw niya kay Kenny.
"Halabyo!" bulong na sigaw din niya kay Chrizzy na mababasa lang namin sa bibig niya.
Napahawak na lang ako sa ulo sa kanila. Hai! Nang bigla may naramdaman akong umupo sa kabilang upuan at pagtingin ko sina Mason pala iyon kasama si Maureen. Tumango ako sa kanila ng mapansin nila akong nakatingin.
"Humanda talaga siya sa'kin mamaya!" reklamo niya at sumulat sa white na 'f*ck you, kenny' kaya bago pa niyang matapos ang sinusulat niya agad kong binura at malamig na tinitigan siya.
"Hehe! I love you na lang pala isusulat ko." Parang batang saad niya at sumulat ulit.
Di nagtagal ay nagsimula na ang competition. Pinaliwanag muna nila samin kung ano ang rules at kung paano laruin ang larong ito. Bibigyan nila kami ng 20 seconds para sagutin at evaluate yung sagutin namin. Kakailanganin isulat ito sa whiteboard na nasa amin at pagmali ang sagot mo. Talo ka na agad sa round na 'yun. Mula sa easy to hard level ang ginawa namin kaya mukhang tama nga si Chrizzy. Hindi ito mahirap sa mga pro na katulad namin mahilig sa math.
"What is the answer if 20 - 12 ÷ 3 x 2 = ?"
Hinayaan kong magsulat si Chrizzy ng sagot namin pero tinitignan ko naman ang ginagawa niya at baka magkamali ito.
"Time's up! Please raise your boards." Ako na ang nagtaas ng board namin dahil may kung ano na naman siyang ginawa sa board niyang design. Bunso talaga! "The correct answer is 12. Everyone is correct."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Ação| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...