Maureen
"Primo's." magaling niyang pagbati.
Tinitigan ko siya sa paraan na kung saan ako sanay. Isinandal ko ang sarili sa lababo saka tinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid.
"Ano ang pakay mo dito?" maawtoritadong tanong ni Vee sa kanya at bahagya pang lumapit sa kinaroroonan ko.
"Wag niyo naman po akong takutin, Primo." anas niya habang nakayuko. "Wala akong ibang pinapakay maliban po sa inutos nila sa'kin."
Napalingon ako kay Vee para tignan kung ano ang naging reaksyon niya at tama nga ako.
Mataray at maangas na babae ang tomboy na'to. Hindi na ako magtataka kung bakit nakataas ang isang kilay niya ngayon habang nakatitig sa kanya.
"Hindi nila ugaling magpadala ng tauhan sa lugar kung saan sakop namin. Huwag mo kong paikutin sa kamay mo." aniya.
Bumuntong hininga nakikinig lang ako sa kanilang dalawa. At dinama ang kakaibang aura na pumapaligid sa'min ngayon.
Masyadong malamig at malakas. Ngunit sanay kami sa ganitong pakiramdam dahil dito kami nabubuhay. Dito kami nilaan. Ito ang layunin namin sa mundo.
"Primo, hindi kita pinapaikot sa kamay ko."
Napalagutok ng dila si Vee, "Siguraduhin mo lang..."
"Kilala kita at alam ko kung ano ang maaaring magawa mo sa'kin. Hindi rin natin ugaling tumaksil sa kauring assassin." nanginginig niyang sabi sa takot.
Palihim akong napakuom ng kamay at iniwas ang paningin sa kanilang dalawa. Isang salita lang mula sa sinabi niya. May tumama na sa'kin.
Naramdaman kong napasandal si Vee sa pinto at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib niya. Ayaw kong magsalita. Gusto kong pakinggan kung anuman ang punto ng biglaang pagpunta ng isang warrior na katulad niya.
"Sino ang nagpadala sa'yo dito?" malamig na tanong ulit ni Vee.
Muli kong binaling ang paningin kay Angel na kasalukuyang nakasandal na din sa pader.
She's also like us and she's came from Assassination Incorporated. We know her because we have only hundred assassins inside that incorporated. They were all chosen and gifted.
"Mr. Orion send me for AI54..." Nabigla ako sa sinabi niya pero di ko pinakita.
"For Maureen..."
Alam kong napatingin si Vee sa'kin. Ngunit hindi ko siyang nagawang linungin. Napaayos ako ng pagkakatayo saka bigla din kaming sumeryoso.
"Pinadala ka ba niya para bantay ako?" walang kaemosyon kong sambit.
"H-hindi po..." nauutal niyang tugon at napailing-ilin ito ng ulo. "Wala din naman po akong karapatan para bantayan ang bawat galaw mo dito sa labas ng Incorporated."
"Mabuti naman kung ganun, dahil hindi si Orion ang may hawak sa kanya." sambit ni Vee.
Napayuko siya ng ulo dahil sa takot. Lalong- lalo na sa paraan ng pananalita naming dalawa.
Bumuntong hininga ako, "Ano ang pinapasabi niya?"
"Gusto niyang ipaalam tungkol sa pinag-usapang kasunduan niyong dalawa---" 'Di ko na siya pinatapos sasabihin ng pinutol ko iyon.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...