Trinity
Pagkatapos ng dalawang araw pananatili ko sa hospital ay na discharge nga din naman ako. Sinundo agad ako ni Tec para tulungan akong mag-impake ng gamit na nasa residences. Kapag tapos na ay pabalik na'ko sa bahay namin sa Quezon.
"Pinapasabi pala ng Daddy mong hihintayin ka daw niya bago siya umalis ulit." rinig kong paalam niya mula sa driver seat na nagmamaneho. Samanta nandito naman ako sa backseat nakaupo.
"Tec, may itanong lang...." anas ko habang nakatingin lang sa labas ng katabing bintana. "Ano ba talaga ang trabaho ng tatay ko?"
Napatingin ako sa rearview mirror at nakitang nakatingin din pala ito sa'kin. Ngunit agad din naman itong umiwas.
It's been so many years I keep on asking myself about this thing, but only this day. I have the courage to ask him about it
"Ano ba ang ginagawa niyo?"
"Sir Trinity, isang businessman po ang ama niyo. At bilang isang bachelor ay ganun kadali ang lahat. Kailangang hands on siya sa lahat ng bagay. Nandon naman kami para tulungan siya." direktang sagot niya at lumiko papasok sa residence.
Di na ako ulit kumibo dahil tamang-tama na rin na nakarating na kami sa residence. Agad akong bumaba para makaakyat at makapag impake ng mabilis. Pagpasok ko sa unit halos di ko na alam kung paano sisimulan ang pag impake. Ilang buwan lang ako nanatili dito pero parang sanay na akong dito palagi umuuwi.
Hindi nagtagal sumunod din agad si Tec at tinulungan ako. Mukhang parehong nagmamadali pa kaming dalawa.
Sino pa nga bang hindi magmamadali kung isang leon ang naghihintay sa'yo sa bahay.
Bababa na sana kami ng biglang may tumawag sa'kin. Agad ko silang nilingon at nakitang nagmamadaling lumapit ang mga ito sa amin.
Tingnan ko si Tec at sinabihan siyang susunod na lang ako sa kanya.
"Damn! Seryoso na ba 'to?" pag-asar ni Kenny at napatingin naman ako sa dala kong mga bag. "Iiwan mo na ba talaga kami."
"Hindi kayo... ikaw lang."
"A-aah! Asawa ko, pakisalo naman." utos niya kay Axel.
Umakto pa itong nasasaktan saka mukhang mahihimatay pa. Ngunit hindi siya pinansin ni Axel at hinayaan siyang bumagsak.
Napadaing ako sa sakit para sa kanya habang pinipigilan naman ni Axel na tumawa ng malakas. Tumingin ako kay Kenny na masamang nakatingala sa kanya. Sapol na sapol naman niya ang sumasakit na pwet nito.
"Masakit?'
"G*g* ka talaga! Ba't di mo 'ko sinalo?!"
Pinagkrus ni Axel ang braso niya sa dibdib, "Ba't kita sasaluhin? Mukha ba akong foam?"
"Hindi! Dahil mukhang hindi mo na ako mahal."
"Kailan ba kita minahal?"
Tuluyan na akong napangiti habang pinapanuod silang nakipagtalo sa harap ko.
"Hindi na ba magbabago ang isip mo?" tanong ulit sa'kin ni Kenny habang pababa kami ng gusali.
Ihahatid daw nila ako sa baba. Baka kasi mamimiss ko silang dalawa. Tsk! I'm going to missed Axel, but not Kenny.
"Di naman siya ang may gusto nito. It's Mr. Wexler's decision and being his son is the toughest one." pang-uuna ni Axel.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Aksi| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...