Trinity
Nagmamadali akong nagpaalam saglit muna sa kanila para umalis habang naghihintay ang mga ito ng doktor na lumabas mula sa loob. Kahit hindi man sila nagtatanong pero alam kong alam nila kung saan ako pupunta kaya nanatiling tahimik silang tatlo at hinayaan akong makaalis.
Kuom ang mga kamay ko habang naglalakad pagkalabas ng hospital. Bahagyang isinuklay ko pa ang buhok gamit ng daliri bago ako tuluyan nagmamadaling naglakad pabalik sa kotse.
Pagdating sa Southville halos sirain ko na ang pinto ng sariling sasakyan sa galit at pumasok agad para hanapin siya. Kinuha ko ang dalang phone saka dinial ang cellphone number nito. Ngunit naka ilang ring na hindi pa rin niya iyon sinasagot kaya alam ko kaagad nawala siya sa opisina.
Isang malutang namura ang napakawalan ko at inis akong napaliko sa isang hallway para puntahan ang iba't ibang silid at lugar ng campus. Hindi naman ganun laki ang paaralan ngunit bakit ang hirap niyang hanapin. Ni napagdesisyonan kong pumunta sa kabilang campus para suriin ang buong paligid habang patuloy sa pagtawag sa cellphone niya, kahit alam kong di siya sumasagot pero pinipilit ko pa rin siyang tawagan.
Kailangan niyang malaman ang lahat-lahat na nangyayari ngayon. Maaaring sumangayon ako pero labang sa kalooban ko. Simula palang ayaw na ayaw ko na ang bagay na ginawa niya. Nasabihan ko na din siya ngunit hindi siya marunong makinig. Kabago-bago lang nung estudyante. Ganun na agad ang pinaranasan niya. At higit sa lahat, mas delikado ito pag may ibang nakaalam dahil wala kaming ginawang tamang imbestigasyon para gawin ang parusa na ito. Hindi ito dapat umabot sa Head Directors ng Southville dahil pag may pagkakataon. Hindi lang ako sigurado sa mangyayari.
Maiinis na talaga ako dahil parang nawawalan na ako ng pag-asang makita siya sa buong Southville. Nalibot ko na ang bawat area at buildings namin hanggang sa nakarating na ako sa field na nasa SSIC pero kahit anino niya ay wala akong nakita.
Napadaan ako sa cover court ng SSIC at lalagpas na sana ako ng bigla akong natigilan ng makita ko siyang kasama Ang principal din ng SSIC. Mukhang seryoso ang pinag-uusapaN nila at hindi nila ako kaagad napansin ng makalapit.
Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila pero di ko inaasahan na mapalingon si Sir Fred sa'kin.
"Wexler..." pagtawag niya.
Napalingon naman bigla si Sir Jezphire sa gawi ko.
Ang kaninang nag-aapoy kong mukha sa galit ay biglang sumeryoso ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Hindi na ako nagpaligoy- ligoy pang sabihin ang pakay ko dito. Kailangan makapag-usap na kaming dalawa.
"I'm sorry to disturb you, Sir Fred. But I need to speak with Sir Jezphire."
Tumingin pa si Sir Fred sa kanya at sa'kin saka itong tumango, "Sure thing, Mr. President."
Tumango din ako sa kanya at nauna na akong tumalikod para umalis doon.
Nang naramdaman ko na siyang sumunod sa akin. Agad akong naghanap ng lugar kung saan walang makakita at makarinig sa pag-uusapan namin dalawa. At nang makahanap ay agad ko siyang hinarap at seryosong tinitigan ito.
"What is your problem, Trinity? Don't look at me like that. As if may ginawa akong ---"
"Yes! You did!" putol ko sa sasabihin niya.
Nagulat siya sa pagtaas ng boses ko pero naging seryoso siyang tumayo sa harap ko.
"What did you say?"
"We've been calling you." seryosong sambit ko habang pinapakita ang call history ng cellphone ko sa kanya."Don't you know that?"
Pagkasabi ko nun ay agad na hinanap niya ang phone nito pero hindi niya pala ito dala
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...