✓Chapter 23

139 38 19
                                    

Chrizzy

     Pumasok na si Trinity sa detention hall kasama ang babaeng kaibigan ni Vee. Samantala napaiwan naman kami sa labas ngunit bigla ding nagyaya si Axel na maglibot-libot sa campus ng Southville. Kahit punong-puno ako ng pagtataka kung bakit biglaan ang naging desisyonon ni Sir Jezphire na bigyan yung babaeng iyon ng parusa. Ni walang kahit sino ang nagpatunay na siya ang kumuha ng susi. 

Mayamaya pa ay napatingin ako kay Vee ng marinig ko siyang nagsalita habang naglalakad kami. Ngunit hindi siya nakatingin kaya umiwas na lang ako at mas tinuon ang dinadaraanan. 

"Ano ang gagawin nila sa kanya doon?" biglang tanong niya.

"Bibigyan lang naman siya ng tamang parusa sa ginawa." seryosong tugon ko.

"Punishment? She never did anything."

Umiling ako, "Kahit na. Kailangan niya pa din bigyan ng leksyon para masabi na niya ang totoo kung saan nga ba ang susi kinuha niya."

"Ba't niyo naman hinahanap sa kanya ang susi? May nakikita ba kayong ebidensya? Wala naman hindi ba?" Di ko alam kung galit ba siya dahil ang seryoso niyang magsalita. 

Napatingin ulit ako sa kanya at tinitigan siya ng pagtataka.

"Who is he, by the way?" tukoy ko sa kaibigan niyang lalake.

Ngiting nag-aasar niya akong binalingan ng tingin, "Why do you need to know?" 

"B-because I want to know."

"Are you certain that's the real reason?"

"C-come on, Vee..." Bahagyang napairap pa ako sa kanya ngunit parang wala lang sa kanya ang naging reaksyon ko. "Is there something wrong with you asking for his name?"

Nakipagbalikat siya, "Maybe? Because no one dares..."

"Why? Is he your boyfriend?"

"No!" depensa niya agad.

"If that so, he's already studying at the same school as we are, and so do you. So, why we aren't allowed to know it?"

Minaliitin ko siya ng tingin samantala ang kalmado lang nito habang may ngiti sa labi. Yung tipong para sa tingin niya nagkikipagbiruan ako. 

Pinigilan ko na lang na huwag magalit o mapikon sa ginagawa niya. Dahil simula nung nakilala at nakakausap ko ang babaeng ito. Wala siyang ginawa maliban sa pagngiti at pagtawanan ako. Mukha ba akong nakakatuwa para sa kanya?

Tinitigan niya ako na para bang sinusuri o binabasa ang isip ko. Ngunit ilang sandali pa ay itinaas niya ang dalawang kilay bago nilingon ang kaibigan at parang kinakausap sa tingin. Narinig ko naman ang mahinang paglagutok ng dila ng kaibigan niya. Kaya, para akong nahiya para sa sarili. Mukhang nainis ko kasi siya. Umiwas siya ng tingin saka ako tinignan ni Vee at tumingin sa dinaraanan namin.

"He's Mason...." tipid niyang anas.

Tinaasan ko ang isang kilay na pinapakitang di ako kuntento sa naging sagot niya, "Mason? Mason Ferrer? Mason, what?"

"It was Mason Faust Evans..."

Bigla akong napatingin sa kaibigan niyang lalake na si Mason. Ngunit umiwas na naman siya ng tingin kaya binaling ko na lang ang tingin kay Veronica. 

Ramdam kong wala siyang pakialam at parang hindi siya interesadong makilala namin. Kaya, mas lalo akong napapaisip kung bakit. Masama bang malaman ang pangalan niya? O sadya bang mahalaga ang pangalan niya kaya bawal malaman?

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon