Trinity
Walang nang lumabas na kahit anong salita mula sa bibig ni Abby ng bumalik siya sa upuan nito hanggang natapos ang lintek na pinapagawa ni Sir Kun sa'min.
"Tumahimik din ang g*g*." paparinig ni Vee.
Pinagtawanan Naman ni Chrizzy, "Pinagsabihan na kasi. Ayaw pang magpaawat."
"Oh, natameme ka? Dapat lang." pahabol ni Vee ng makita si Abby na lalabas na sana. "Oh, bakit napalingon ka? Natamaan ka noh? Serves right, babe."
Kitang-kita mo talaga ang inis sa mukha ni Abby. Subalit mukhang wala siyang nagawa nung hilain siya ng mga kaibigan niya papaalis. Samantala pinigilan naman ni Mason si Vee para tumigil na ito.
Ngunit bumaling ang paningin ko kay Chrizzy ng marinig ko siyang kinakausap si Shishiu.
"I didn't expect you can dance like that." papuri niya sa kanya.
Umiling si Shishiu sa kanya, "Hindi ka naman nagtanong."
"Bakit sasahutin mo ba ng matino?"
"No...."
"Kita mo na?" Birong itinulak pa niya ito sa balikat at inirapan. "Pero ang duo na iyon. It was freaking amazing. Nice shot, Maui."
Di naman kami nagtagal sa hall agad kaming umalis doon. Pagod na pagod pang tinatahak ang daan papuntang Bistro Lima para kumain.
Parang nauubusan na talaga ako ng lakas ngayon. Mahigit ilang oras kaming ginawang parang tanga ni Sir Kun. Kakagaling lang rin kami sa kanyang-kanya sports practice. Ni hindi na namin nagawang palitan ang mga damit. Pagod na talaga at pagkain na ang nasa isip namin lahat.
Sumubo ako ng pagkain saka nilingon si Cyrus ng bigla niyang tinanong ang tungkol sa Association ng M.A.C. nila Chrizzy.
"Malapit na lang pala ang Association." seryosong sambit niya habang nilalaro ang sariling pagkain. "Teka saan ang mag mauuna date? Anong date ba yung exams natin?"
"Based on our school calendar, the schedule for examinations will take place after the Association of M.A.C." pagpapaliwanag ko at binalingan ng tingin si Chrizzy.
"Napag-usapan na rin ito nila Master Quinton. Talagang mas uunahin nila ang Association natin dahil kailangan niyo nang bigyan ng ranggo." pagpapatuloy niya habang nakatingin sa kanilang apat. Subalit mukhang si Cyrus lang ang may interesadong making sa paliwanag ni Chrizzy. "Mahigit apat na buwan na rin ang nakalipas simula nung nag transfer kayo dito. At pumasok sa M. A. C. ng organisasyon nila Master Quinton. Talagang mahalaga para sa kanila na mabigyan at nakatayo na kayo sa mga ranggo na dapat sa inyo, dahil kapag hindi. Gagawa at gagawa ng paraan si Master para lang ipabagsak kayo. Hindi parte ng Southville ang M.A.C. kaya sinisiguro nilang matatapos lahat ng rankings sa Association. At kailangan lang talagang mag-ingat sa pagschedule ng mga activities din. Ang importante ay hindi maeepektuhan ang pag-aaral natin."
"Ganun pala 'yun? Grabe talaga ang organisasyon niyo. Di ka na nga makagalaw ng tama. Napakabrutal pa ng batas niyo." Inilinh-iling pa ni Cyrus ang ulo niya at bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...