Trinity
Sa pakiramdam ko nasa ulap ngayon ang isip ko habang tinatahak na namin ang daan papauwi.
Mahigit isang oras kaming nanatili sa isang pribadong hotel dahil sa nangyari. Ngunit habang hinihintay ang oras na lumipas. Hindi mawala sa isip ko ang pangyayari. Hindi siya nakakatrauma subalit nangangambala ng isip. Lalong-lalo na kung bakit bigla iyon nangyari. Kung bakit nila ginawa 'yun? Ano ba ang ginawa namin para ganuhin nila kami kanina? Gusto kong malaman ang mga kasagutan na iyon. Pero wala akong lakas para tanungin si Dad tungkol doon
Unting-unti na rin ako nakakain ng babaeng nagpakita sa'min na may dalang mga armadong sandata. Napaka misteryoso at nakakatakot siyang tignan. Yung tingin na alam mong kaya ka niyang patayin kahit anong oras. Walang bahid ng kahit anong takot kung sakaling gawin niya iyon sa'yo. Sa paraan ng paghawak at pagtindig nito ay masasabi mong hindi lang siya isang ordinaryong tao.
Hanggang sa pagdating namin ay walang imikan ang nangyari sa buong byahe. Tanging ingay ng aircon at ingay ng mga sasakyan na nadadaan ang maririnig mo.
Mabagal at wala ako sa sariling naligo. Ramdam na ramdam ko ang malamig na tubig na bumabagsak sa katawan pero nanatiling nakatulala pa rin. Ngunit may bigla akong may naalala sa araw na bumisita ako sa bahay na hindi nila nalalaman. Ang gabing pagkatapos ng espisyal na misyon na binigay ni Sir Jezphire kay Shishiu at talagang kailangan ko siyang tulungan.
Pwede akong magkamali dahil wala akong sapat na imbedinsya na magpapatunay doon. Masyadong malayo at hindi dumudugtong ang lahat ng mga bagay na naiisip ko.
Napabuntong hininga ako at napahilamos ng mukha. Sabay suklay ng buhok kong nababasa dahil sa walang tigil na pagdaloy ng tubig na nagmula sa shower. Magaan na pumikit at tumingala ulit ako habang sinusuklay ang buhok. Ang bawat hininga ko'y unting-unti bumibigat dahil sa tubig, pero wala akong pakialam. Nakakagaan sa pakiramdam ang bawat pang agos ng tubig sa katawan ko at nagbibigay ng kakaibang pakiramdam.
Nang makuntento agad kong pinatay ang shower pero..."Damn! Enough of this sh!t!"
Sumuntok ako sa pader ng ilang beses at napasandal sa glass door ng paliliguan. Nasasakal na 'ko! Sobra na yung mga pangyayari! Hindi na siya maganda sa pakiramdam.
Binuo ko ulit ang sarili at kinuha ang towel para makapagbihis at makapagpahinga na 'ko. Ngunit bigla kong napag-isipang pumunta muna sa sariling opisina na nandito sa mansion. Kasalukuyang pinapatuyo ko pa din ang sariling buhok ng biglang may kumatok sa pintuan. Agad akong lumapit doon para pagbuksan ang taong iyon.
"Dad." tawag ko sa taong bumungad sakin.
Napatingin ako sa suot niya ng mukhang bihis na bihis na naman iti.
"Aalis na ba kayo?"
"We will be gone again for a month." seryoso niyang paalam habang nakapamulsa ang isang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. "Pero sana makampante akong magiging maayos ka..."
Hindi ako nagsalita pero tumango ako bilang sagot at umiwas ng tingin sa kanya.
"Babalik ka din naman pagkatapos ng mga ilang araw, hindi ba?" muling tanong niya kaya napabaling ulit ang paningin ko.
Huminga ako ng malalim bago siya sinagot ng tapat. "Yeah... magsisimula na rin kasi yung mga competitions kaya kailangang bumalik agad ako."
"Mabuti naman kung ganun, kampante akong protektado ka doon. Pero, mas kampante ako pang nandito ka sa bahay." Noon ko pa narinig sa kanya ang ganitong salita, pero wala akong may nakuhang sagot kung bakit.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Acción| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...