Jezphire
Halos abutan ako ng buong araw para matapos lang ng mga papeles na ito pero gumagabi na hindi ko pa rin natapos-tapos. Sobrang dami kong trabaho ngayon at kakailanganin ay maayos ang pagkakagawa ko dahil kung hindi uulit na naman ako sa simula.
Napabuntong hininga ako at tumingala para makahinga ng maayos. Yumuko din naman kaagad ako para magsimulang magsulat ulit. Sandali akong tumigil ng maramdaman ang sumasakit na na leeg. Isinandal ko ang sarili sa upuan at nagpahinga muna ng biglang may nakakuha ng atensyon ko sa isa sa mga files na nakakalat sa ibabaw ng lamesa. Inabutan ko iyon at binasa ulit.
Itong apat ay nakapasa kaagad sa entrance exam bago pa man ang lahat nakakuha. Ito ang kauna-unang nangyari sa buong Southville. Ito ang pinakamahirap na pagsubok na lampasan ngunit nagawa nilang ipasa ito ng wala kahirap-hirap. Ni kahit sinong estudyante na gustong makapasok sa SISFU ay nahirapan sa pagsubok. At hindi pa ganun nakakakuha ng mataas na marka ngunit nakakagulat ang mga naging resulta nila.
Bahagyang akong napapikit saka pinatong ulit iyon sa desk.
Kung iri-rate ko mula 1 to 10 sa pinakita nilang apat ay halos sobra sa kalahati iyon. Kahit ang mga pinakita nilang academic records at activities. Ipinakita nila sa akin ang mga kasanayan at kakayahan na iyon ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa amin sa Southville at talagang interesado ang mga Direktor sa kanila. Medyo nag-alala na din ako sa kanilang dalawa ni Chrizzy at Trinity. Nabalita kong kailangan ng umalis nina Pierre at Quinto sa hindi nalalamang dahilan. Mukhang nakakabuti naman iyon. Lalong-lalo na graduating na ang dalawang batang iyon. Mas pinabuting nga maaga na nilang tapusin ang mga extra activites dahil magiging abala na sila sa magkokompleto ng mga requirements.
Mayamaya pa ay napaitlag ako ng tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko iyon inabot at tinigan kung sino ang tumatawag sa'kin.
Hindi ko kilala ang numerong lumitaw pero sinagot ko pa din. Ipinatong ko pa ang braso sa lamesa at napahawak sa sentido dahil sa sumasakit na iyon.
"Hello?" malamig kong bati.
"Its me, Max..."
Agad na nanlaki ang mata ko ng makilala ang boses niya. Napaayos ako ng pagkakaupo para makausap siya ng maayos. Narinig ko pa ang pagsalin niya ng inumin sa baso at nilahak iyon.
Bahagyang napalunok ako, "M-Mr. Wexler, napatawag po kayo?"
"I need to ask you something."
Tumayo ako sa upuan at humarap sa bintana. Uwian na pala ng mga estudyante at halos unti-unting nababawasan na sila sa buong paligid. Yung iba napatingin pa sa floor ko kaya napakaway ang mga estudyante habang ang iba ay napayuko at lumakad ng mabilis.
"What is it, Mr. Wexler?"
Matagal bago siyang sumagot kaya mas lalo akong natatakot sa kanya.
"Did you find it already?" I knew it. He's going to asked me about it.
"Not yet, Mr. Wexler. But I'll do my best to find it."
"Alright, I need all of the paperwork. That's why I need you to find them." napakaseryoso ng boses niya habang nagsasalita kaya masyado akong nag iingat sa kung ano ang mabitawan kong salita. " I've heard about what happened last week. How's it going?"
"Ito ay lubos na kahanga-hanga, Mr. Wexler. Lahat ay maayos. Sinusunod namin ang lahat ng sistema ng paaralan at pati na rin ang SOS. Lahat naging masaya at naghihirap din para ipanalo ang mga team colors nila." Napakuom ako ng kamay para pigilan na hindi ko mabanggit ang nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...