✓Chapter 4

241 52 36
                                    

Trinity

Kanina pa nangangawit ang leeg ko dahil sa sobrang pagtatrabaho. Ngunit hindi ko naman pwedeng i-hinto 'tong ginagawang report at bukas na lang ulit. Kailangan ko na talagang matapos ito kaagad para macheck na ni Sir Jez ang final letter and schedule ng event namin para sa SOS.

Abala na ako masyado ng bigla akong napaangat ng tingin kay Axel nung tinawag niya ang pansin ko saka pinakita ang ginawa nito sa loob ng laptop.

"Trin, ayos na ba 'to?" aniya.

Minaliitan ko ito ng tingin para mas lalo kong makita, "Yeah! Okay na 'yan. Kaunting design pa siguro para may dating."

Tumango naman siya at bumalik sa ginagawa. Bumalik rin ako sa harap ng laptop saka bahagya pang hinihilot ang balikat at leeg.

Nasa opisina pa rin kaming lahat at may kanya-kanya kaming trabaho. 'Di na nga kami nakapasok sa mga klase namin dahil dito. Mabuti na lang at bilang Student Council automikong excuse ka na sa lahat ng mga klase niyo. Ngunit kahit ganun ang oportunidad na natatanggap ay hindi pa rin namin pinapabayaan Ang pag-aaral. Matataas naman ang mga marka namin sa academics kaya walang magkakaroon ng problema. Kahit pa major yung teacher na Hindi namin pinasukan. Kung malilintikan kami sa kanila dahil di kami pumasok. Mas dehado sila kay Dad kapag nalaman niyang binaliwala lang namin yung event na pinapagawa niya

Malalim na yung isip ko sa ginagawa habang nakatutok sa laptop ng bigla kaming tatlong napatingin sa pinto nung bumukas iyon ng sobrang lakas.

"Ops!" natatawa pa niyang wika habang may mga dala. "'Di ko 'yun sinasadya. Pasensya na."

"Saan ka galing? Ba't ang tagal mong bumalik?" bulyaw ni Kenny.

Mabilis pa sa alas kwartong sinamaan ko siya ng tingin para tigilan siya nito.

"Grabe! Kayo pa talaga ang galit? Ako na nga ang may pusong bumili ng meryenda natin dahil alam kong tinatamad na kayong lumabas dito sa sobrang abala. Tapos ito ang bubungad niyo sa'kin! Saka nagpaalam naman ako ha?" pagmamaktol niyang wika at sumimangot.

Nagkatingnan kaming tatlo at muling binalingan ng tingin. Mayamaya pa sabay na sabay kaming napatawa ng malakas ng makita ang mukha nitong nakasimangot. nito.

Tumayo na rin kami para lapitan siya bago pa man itong magtampo sa amin.

"Hala! Grabe talaga kayo sa'kin!"

Ginulo ni Kenny ang buhok niya, "You know how we tease you."

"Alam mo, kung hindi ka lang binubunso namin. Kanina ka pa namin sinipa papalabas ng office." sambit ni Axel.

"Wow! Ansakit nun ha."

"Bakit? Sino pa naman kasi yung taong malakas na binubuksan ng pinto. Nakikita mo bang sobrang seryoso namin dito. Sinong kaluluwa pa naman ang hindi maligaw 'nun."

Ngumisi siya at nakipag-peace sign, "Sorry kung ganun pala."

Umiling-iling na lang silang dalawa ni Kenny saka kinuha ang mga dala nito para sa amin. Parang bata naman na tumatalon sa saya siya ng silipin ang loob ng paper bago. Ngunit mabilis na inagaw iyon ni Axel at naunang tumalikod para ilapag iyon sa isang mesa.

"Everthart, naman e." nakasimangot niyang anas.

"Salamat naman at nakagante." sambit ni Chrizzy.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon