Trinity
Pagkatapos ng napakahabang araw sa paghahanap sa kanya. Ni halos binuhos ko ang buong araw para lang hanapin ang manok na'to. Ngayon lang siyang may planong magpakita sa'kin. Alam ba niya kung gaano ako naghirap dahil sa ginawa niyang pagtatago? Wala akong pakialam kung hindi man siya nagtatago sa'kin pero yung sandaling binuhos ko lahat ng oras at pasensya. Nagawa ko pang libutin ang buong campus para makita siya. Tumakas din ako sa mga obligasyon ko sa opisina pero ano ang ginawa niya. Gusto ko lang naman siyang kausapin at maitama ang mali... kung meron man.
Gulat na napalingon siya sa'kin pero agad din nakabawi at umiwas ng tingin. Napabuntong hininga na lang ako sa inaakto niya saka marahas na napatingala. Iniiwasan niya pa rin ako.
Nilagay ko ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng suot kong jogging pants saka dahan- dahan na lumakad papalapit sa kanya.
"What have you been doing all day?" malamig kong sumbat.
"Hiding from you..." pilosopong tugon niya habang di nakatingin sa'kin.
Tsk! Ano pa ba ang aasahin ko sa isang sisiw?
Tuluyan na akong nakalapit at huminto sa gilid ng plant box na inuupuan niya, pero mukhang wala siyang planong linungin ako.
"I've been f*cking searching you, but you're a traitor!" may bahid na inis kong sabi.
Nakipagbalikat siya, "Di kita inutusan nahanapin ako."
Ba't ba ang lamig nitong kausap? Sa pagkikilala ko sa kanya. Hindi naman siya ganito.
Mayamaya pareho kaming nanahimik pagkatapos na naman niya akong barahin. Ilang segundo ang nagdaan pero wala pa rin sa'ming dalawa ang nagsasalita.
Napatitig ako sa ginagawa niya at saka ko lang napansin ang alaga niyang pusang si 'Ddo Ddo' kung hindi ako nagkakamali.
"Gusto kong mag-usap tayo." basag ko sa katahimikan na pumapaligid sa'min.
"Nag-uusap naman tayo ha. Ano pa ba ang gusto mo?" Sh!t! Kung aggressive akong klaseng tao kanina ko pa siya sinigawan sa galit at inis. Mapapasuntok pa ako kahit saan.
"Gusto ko ng seryosong usapan, Shishiu. Kaya kung pwede lang..." Sandaling napahugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. "...ilagay mo muna ang pagkapilosopo mo sa tamang lugar."
Bahagya niya akong tinignan pero agad ding umiwas. Kaunti na lang talaga, Shishiu! Mauubusan na ako ng pasensya!
Napag-isipan kong tabihan siya doon sa dulo ng plant box at ang p*ta! Hindi man lang siya natakot. Ikalawang beses ko na siyang nakita dito. Malaking pagpapasalamat kong nagawa ko ng upo doon. Subalit hanggang ngayon takot na takot pa din ako.
Hindi ko pa mapigilan na mapamura ng biglang umihip ng napakalakas na hangin pagkaupo ko sa tabi niya. Mahigpit na napahawak ako sa bagay na pwede kong kapitan para makontrol ko ang sarili hindi mahulog.
"What a scary cockroach." bulong niya ngunit naririnig ko pa rin.
Sinamaan ko siya ng tingin pero nanatiling nakatingin ito ng diretso saka kumagat sa kinakain niyang mansanas...
"Sinong nagsabi?"
"Ako."
"Tsk! Sisiw!"
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Aksi| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...