✓ Chapter 17

138 39 20
                                    

Trinity

         Ngayon ang araw kung saan magsisimula ang unang laban ng School of Survival at abala ang lahat. Madaming tao na naman ang makakasalamuha namin dahil sa mga bisitang gustong manuod ng SOS.

Kakaunti lang yung mga estudyante ng SISFU na nakikita ko sa paligid. Talagang sinusunod namin ang patakaran na binigay ni Sir Jezphire sa amin. Nung una palang pinag-usapan na namin ito. Kung sinong participants lang ang pwedeng lumabas sa mga klase nila. At kapag vacant ay kakailanganin nilang manunuod ng mga participants nila sa bawat laro.

Parang liliparin ko na ang daan patungo sa Muntinlupa at patakbong bumaba ng kotse pagdating ko sa PNSA Range kung saan gaganapin ang unang laro. Kailangan ko talagang tumakbo ng mabilis dahil kailangan maunahan ko lang silang lahat doon.

Ang saklap kasi ng unang laro ng SOS dahil isang shooting range iyon. Kaya, huwag na kayong magtataka kung bakit nandito kaming lahat sa Muntinlupa para laruin iyon. Wala sanang magaganap na ganitong klaseng laro ngunit ginusto ito ni Miss Grace nung gabing pagpupulong namin. Nag-alala lang naman kami sa mga participants dahil walang kahit sino ang may alam sa pagbabaril. Subalit mapilit siya at sinabing tuturuan naman kami daw kung paano bumaril bago magsimula ang laro.

Isang mura ang napakawalan ko sa loob ng isip ng maramdaman ang sobrang init ng araw. Hindi naman ako naka uniporme kundi isang maroon polo shirt ng Southville. Kailangan ganito talaga ang suot ko para mas mabilis nila akong makilala bilang supervisor. Ngunit ang init-init lang talaga ngayon. 

Pagdating ko sa shooting range kung saan ang venue. Lahat nakaupo na sa mga upuan kung saan hindi sila maiinitan at madadamay sa laro. Agad akong lumapit sa mga ibang staff na nasa gilid at hinarap silang lahat.

"Sir Trinity, 5 minutes na lang po magsisimula na ang laro." bungad ng isang staff.

Tumango ako, "Nakahanda na ba ang mga players natin?"

"Wala pa po akong nakikitang mga players na nakahanda po dito."

"Okay, I'll handle it." Pinatong ko ang bitbit na papel para mayamaya at humarap ulit sa kanya. "How about our coordinators and facilitators."

"Ready na po, Sir Trinity. Naghihintay na lang sa anunsyo niyo po."

Napamasid ako sa buong lugar na kung saan ang mga participants nakaupo. Ilang saglit pa ay bigla kong nakita sina Axel na dumating at umupo sa mga upuan para sa maglalaro ng Shooting Range. 

Mayamaya inabutan ako ng isang staff ng microphone kaya agad akong nagbigay ng anunsyo para sa lahat. 

"Students, please pay attention! Colors who will compete in our first School of Survival competition. I'd like to call on all participants or players for the Shooting Range. Each color will require four players to compete. After 3 minutes, the shooting range will be started. Thank you very much." pag-anunsyo ko.

May lumapit sa'kin na isang lalake, "Sir Trin, good morning. He'to na po pala ang mga kakailanganin dokumento para sa Shooting Range."

"Salamat..." Sabay kuha ko ng mga papel mula sa kanya. "I'll just call out all of the participants and their team colors, and then we can get started."

Tumango naman siya bilang sagot samantala napatingin ako sa mga estudyante ng Southville. Kita kong may iba na nagsisitayuan na sa mga kani-kanilang upuan at lumapit sa lugar kung saan maglalaro ang mga player. 

May oras pa naman kaya saglit muna akong lumapit sa kanila nina Kenny, Axel, at Chrizzy para kamustahin. Tulad sa inaasahan, bungad agad ang bunganga ni Frost ng makalapit ako.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon