Hi, Legends!
Alam kong sobra kayong nahirapan sa season one ng librong 'to. Kahit ako nga eh. Lalong-lalo na yung malaking revise para sa mas magandang version ng story. Tama lang talagang makatotoohanan ang mundong kinagagalawan nila. Uunahan ko na kayo. Pasensya din kung parang nahihirapan at naguguluhan kayo sa bawat kabanata ng season na'to. Huwag kayong mag-alala unting-unti niyo naman natutuklasan ang mga kasagutan habang tumatagal. Kung kayo naiinis na kay Trinity dahil sa hindi ito maka-isip. Dagdagan pa na'tin sa panibagong season. HAHA! Huwag na kayong magalit o mainis dahil ang personalidad ng taong 'to ay katulad sa taong naglikha sa karakter na ito. Lalong-lalo na pagdating sa pag-ibig.
Itong parte na ito ay pinapaalam kong "PUBLISHED NA SA WALL KO ANG SEASON 2 NG ASSASSINATION INCORPORATED" Hindi po ito fake news. Dahil kung oo, maiiwan Ang mga hindi naisagot na mga katanungan sa isip niyo.
Medyo---actually, napakahaba ng lalakarin pa na'tin, Legends. Kaya abangan niyo nang mabuti. Ngunit kahit sa kabilog nun. Nagpapasalamat nga pala ako sa pagsuporta niyo sa'kin bilang panget niyong manunulat, dahil ito na ang huling araw na magsusulat o ang pagiging writer ko.
TEKA! BIRO LANG✌️
Madami akong naririnig mula sa mga readers ng ibang mga manunulat. Sobra kasi silang nalulungkot o kaya palaging nanghihingi ng updates ng story nila, ngunit sabi nga nila. Napakaabala ng mga ito sa pag-aaral o sa trabaho, kung paminsan-minsan ay sa mga sariling buhay.
Ngayon, naiintindihan ko na. Nakapahirap nga talagang balansihin Ang buhay mong manunulat sa buhay mo sa mundo. Minsan nakakaguilty talagang hindi ka makapag-update ngunit ano ang magagawa natin. Sobra abala talaga sa buhay natin. Ewan ko sa inyo pero ang hirap at nakakapagod talaga kapag isa kang Medical Student. Yung sa pakiramdam na kung minsan nakikita mo yung iba abala masyado sa paggagala at pagsusulat. Samantala ikaw andun sa gilid ng kwarto at nag-aaral. Tapos kung minsan isapilit mong matulog na lang kasi may duty ka pa bukas. Ni kahit rest day niyo may ginagawa pa rin kayo. HAHA! Nakakatuwa lang.
Pero sa kabila nun, malaki pa rin ang pagpapasalamat ko sa inyo. Dahil kahit ilang buwan na akong hindi magpaparamdam. Hindi niyo ako iniwan at may tiwala pa rin kayo sa'kin.
Alam kung wala itong kasiguraduhan pero kakapit ako sa librong 'to, kahit kung minsan parang gusto ko ng magskip ng chapters para makapanimula ako ng panibagong idea.
Sa ngayon, pinapaalam ko nga palang. Kakabukas lang noong last March yung StarsIgnite24 Filters corporated by yours truly. Business featured po ang Filters at sana kung papalarin ni Lord. Unti-unti natin papalakihin 'yun. Saka ko na siguro ibibigay ang buong detalye kapag nasiayos na ang lahat.
LEGENDS! BAWAL MAGSKIP NG SEASON
Kahit available na si Season 2, pero kapag Hindi mo pa matapos ang season 1. Bawal kang lumipat doon. Huwag mandaya kasi sila naghirap din. HAHA!
ASSASSINATION INCORPORATED
SEASON 2 IS NOW POSTED--------------------------------
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Acción| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...