Chrizzy
Talagang napagdesisyonan na niya ang gusto nitong mangyari. Mukhang may binabalak nga ito. Gusto kong kumontra o tumanggi, subalit wala ako sa lugar para ipaglaban ang gusto ko rin mangyari. Nakakainis sa pakiramdam pero dapat ko lang na baliwalain ito, dahil kailangan kong harapin ang hamon na ito.
Kasalukuyang nasa harap ako ng main building ng Southville at wala pa sa sariling napatulala habang nakasandal ang likod sa pader. Mukhang nagtataka na nga yung mga ibang estudyante na dumadaam at naglalakad papasok sa loob. Ngunit hindi ko sila magawang linungin at kausapin sa tingin. Mag-aalas diyes na ng umaga at kanina pa akong nandito sa labas pero walang ni isang anino nila akong nakikita. Wala akong nagawa kundi napagdesisyonan kung hintayin sila dito sa entrance.
Napabuntong hininga ako at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. Ngunit parang may naramdaman ako sa loob ng suot kong sleeves. Mabilis kong hinugot ang bagay na iyon at napag-isipan na paglaruan ito sa kamay ko. Naaliw rin naman ako sa ginawa. Lalong-lalo na sinusubukan kong ilakbay iyon sa bawat darili ko, ngunit dahil hindi ko pa magawa ng tama iyon ay nabibitawan ko. Sinasalo naman ng kabilang kamay ko tuwing mabibitawan ko iyon at sinusubukan ulit.
"What are you doing here, pretty?"
Napaitlag ako ng biglang bumungad sa paningin ko ang mukha ni Trinity. Agad na nanuyo ang napakabangong panlalakeng amoy niya sa loob ng ilong ko.
"A-am ---" Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ng biglang dumating sila Axel.
"Yow! Bunso, ba't nandito ka na? Ang akala ko nasa bahay niyo ka pa?" bungad ni Kenny.
Umayos ako ng pagkakatayo, "Kaninang umaga pa akong nandito sa SISFU. Ang akala ko kasi napaaga rin kayo, pero ngayon alam kong hindi pala."
"Hey! Maaga rin naman ako pero pagpunta ko dito. Hindi ko kayo nakita kaya bumalik ako ulit sa bahay." depensa ni Axel.
Mayaman nga talaga ang lalakeng 'to. Ang daming pera para magpa gasolina ng mga kotse nila. Ni kahit may pera ako. Parang nahihirapan pa nga ako humingi o bawasan ang allowance ko para sa pagpapagasolina ng kotse.
Ngunit bigla akong napakunot ng noo dahil sa sinabi niya. Nilibot ko na halos buong campus kanina pero hindi ko siya nakita.
"That's impossible..." 'Di ko makapaniwalang anas.
Tumango siya, "Oh, yes! It is."
Mas lalong kumunot ang noo ko at inaalala ang naganap kaninang umaga nung sinubukan kong hanapin sila. Subalit bigla akong nagising ng pitikin ni Kenny ang noo ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa ko kaya mabilis pa sa isang segundong na sampal ko siya. Rinig na rinig ko ang malakas na pagdapo ng palad ko sa kamay niya kaya alam kong napalakas at mukhang nasaktan ko siya ng sobra.
Kaagad akong nataranta ng mapagtanto ang ginawang kalupitan sa sariling kaibigan. Natatawang humingi ako ng pasensya sa kanya habang niyayakap at hinahaplos ang pisngi niyang nasamapal ko.
"Pasensya ka na." natatawang anas ko pa din.
"Mahal mo ba talaga ako, Bunso?" parnag naiiyak niyang sambit. "Ang sakit naman ng pagmamahal mo."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Axel at pareho kaming natawa dalawa dahil sa sinabi niya. Muli ko siyang niyakap para lambingin at hindi naman niya ako tinangihan.
"Lumulutang ba ngayon ang isip mo, Raine? Ano ang nangyari sa'yo?" pang-iba niya ng usapan ng mabitawan ko siya.
Umiling ako, "No, I am okay."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...