Trinity
Maaga pa lang pero nandito na ako sa parking lot para puntahan ang kotse ko. Uuwi muna ako saglit dahil may nakalimutan akong dalhin nung nakaraan. Nagbabasakali lang ako na baka makukulangan ako ng gamit kaya ako babalik doon.
Pagdating ko sa bahay ay agad ako sinalubong ng mga kasambahay. Bumati lang ako sa kanila saka patakbong pumasok sa loob para umakyat sa kwarto.
Agad rin naman akong pumunta sa walk in closet para kunin ang naiwan kong uniform para sa School of Survival.
Nang makuha lahat ng mga iba't ibang unipormeng gagamitin. Mabilis na akong lumabas. Ngunit laking gulat ko ng makita si Tec ang personal bodyguard ni Dad na nakatayo sa labas mismo sa pintuan ng closet.
"What are you doing here in my room? Get out." galit na galit kong utos.
Nilagpas ko siya para kumuha ng lalagyan.
Ayaw na ayaw ko talagang may ibang taong pumapasok sa kwarto ko. Kaya, hindi niyo ako masisi kung bakit parang galit na galit ko siyang pinapalabas.
Subalit paglingon ko sa kanya ay hindi pa rin siya umalis sa kinatatayuan.
"Can't hear me?!" pag-uulit ko.
Ngunit nabigo ako dahil wala rin naman ako nakuhang sagot mula sa kanya.
Bumuntong hininga ako saka matapang na hinarap siya.
"Sir Trinity....."
"What do you want? Di mo ba kasama si Dad? Bakit ka nandito? Alam mong ayaw na ayaw kong may pumapasok sa kwarto kong 'to."
Bahagya siyang yumuko, "Pasensya na po..."
Tumalikod ulit ako at inayos ng mabuti ang uniporme saka sinabit ang bag sa balikat.
"Spill it out, Tec."
"Sir Trin-----"
"Saan ba ang amo mo?" putol ko.
Huminga siya ng malalim, "Pagdating mo kasi kanina namin sa opisina niya dito sa mansion. Inutusan po niya akong ibig ito sa iyo."
Tinitigan ko ang inabot niyang pera at malakas na napasmirk. Samantala nanginginig pa ang mga kamay niyang inaabot sa'kin.
Nagdadalawang isip ako dahil lagi naman siyang ganyan. Ngunit mukhang wala akong magagawa dahil wala na rin ako mapapala kapag tinanggihan ko ito at mapapagalitan na naman ako ulit.
Tinanggap ko na ang inabot niya at tinago iyon.
"And he wants you to go after him..." dagdag niya.
Agad akong napatingin ulit sa kanya at nauna ng lumabas ng kwarto.
Habang tinatahak ko ang daan patungo sa opisina ni Dad. Napansin ko siyang nakasunod pa rin sa'kin kaya huminto ako sa paghakbang at nilingon siya sa gilid kahit nakatalikod pa rin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...