Trinity
"I like the steak." komento niya ng matikman ang steak na iniorder. "Wow! It's too juicy. Ngayon lang ako ulit nakakain nito."
Natawa ako ng mahina saka sumubo din ng pagkain. "Nagda-diet ka pa kasi kahit ang payat payat mo naman."
"Yah! Anong payat ka diyan?! I'm sexy, kung alam mo lang."
"Mmm! Talaga? Baka noon lang nung nagti-training ka pa." asar ko sabay abot ng inumin. "Wala na si Quinton kaya di ka na stress sa training niya."
"Trin! Grabe kang makapanglait sa'kin ha! Mataba pa ako sa paningin mo?" napipikon niyang anas saka tinignan ang sariling sa repleksyon niya sa cellphone nito.
"Wala akong dinagdag."
Mabilis pa sa alas kwartong sinamaan niya ako ng tingin kaya tumigil na ako at tinawanan na lang siya. Ang pikon talaga ng babae na'to. Inaasar lang e. Ba't kay Shishiu kahit gaano kasama o kabigat yung asar ko, hindi man lang tinatablan.
"Ba't ang bilis mong mapikon ngayon?"
"Ewan! Why did you ask? Lagi naman akong napipikon, maliban na lang kung ako na yung nang-aasar." Aniya saka tumawa ng malakas. Sangayon ako sa sinabi niya kaya sinabayan ko siya. "Ano nga pala yung sinabi ni Axel nung tinawagan mo siyang aalis tayo?"
Saglit na huminto ako saka inabot ulit ang inumin para lunukin yung pagkain na nasa loob ng bibig ko. "Nothing... wala din naman siyang magagawa. And he also needs to go somewhere."
"Aba! Himala naman iyon. Somewhere? Saan naman ang punta ng isang 'yun?"
"Sabi niya, magmemeet up daw sila ng kapatid at Mommy niya." Bahagyang natigilan siya sa narinig at pinagpatuloy ko naman ang sasabihin. "Ni hindi ko na nga siya nakausap ng maayos. Mukha pa nga siyang nagmamadali."
"Wel! Maybe, yeah. He's going to meet his brother and mom again. After... after 7 months, I think?" nagdadalawang isip niyang wika at inaalala ulit kung ilang buwan nga ba silang di nagkita-kita ulit.
"Bakit binibilang mo pa? Pinapahirapan mo lang yung sarili mo." anas ko habang nakatingin sa kanya na nagbibilang pa rin.
"Eh gusto kong bilangin e." Natatawang napailing-iling na lang ako sa kanya. "Bakit ikaw? Hindi mo ba binibilang yung mga araw kapag umaalis si Mr. Wexler sa bahay niyo?"
Agad akong natigilan sa pagsubo saka walang emosyon ko siyang inangatan ng tingin. Di ko alam kung ano ang isasagot ko kaya tuluyan ko na lang sinubo ang pagkain at umiwas ng tingin.
"Oops... did I go too far?" malumanay niyang wika. "I'm sorry, baby."
"No, it's okay... not be. Hindi ikaw dapat ang humingi ng pasensya."
"Hindi. I'm sorry dahil nasaktan kita.---"
"You didn't."
"Baby, I just want to say sorry. Sana pala di ko na lang tinanong 'yun. I'm too careless."
"Chrizzy."
Muling umiling na naman siya at inabot ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Acción| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...