✓Chapter 36

110 35 27
                                    

Trinity

    Nagdaan ang mga ilang araw pagkatapos nangyari nung gabi na iyon ay halos taga-oras kinukonsulta ako ni Vee tungkol sa kanya. Punong-puno talaga siya ng mga katanungan kung bakit humantong sa ganun ang naging detention ng sariling kaibigan. Ngunit hindi ko siya masisisi dahil kahit ako siguro ay ganito din ang magiging reaksyon ko. Kitang-kita ko din kung papaano siya mag-alala sa kaibigan pero kailangan matuto ang isang iyon. Noong kaumagahan na lang rin nalaman nila Kenny ang tungkol sa nangyaring pagpaparusa sa kanya. Gulat man pero katulad sa'kin ay wala silang magagawa. Ang mas mahalaga sa amin ay umamin na siya kung siya ba talaga ang nangnakaw sa mga dokumento ng Southville.

Pero paano nga kung hindi siya ang kumuha? Sino ang pwedeng makapasok at nanakawin iyon? Yung tungkol naman sa dokumentong kinuha namin nung gabing iyon ay tanging ako, siya, at si Sir Jezphire lang ang nakaalam. Masyadong pribado ang mga detalye ng pangyayari kaya kailangan manahimik kaming tatlo.

Sabay na sabay kaming nakarating sa Southville ng biglang nadaanan namin si Vee na papasok kasama si Mason. Parehong natigilan silang dalawa at tumingin sa amin. Di naman ako umiwas at agad nang lumapit sa kanila. Pagkahinto ko sa harap ni Vee ay agad na sumilay ang nag-alala sa mukha nito.

"May balita ka na ba sa kanya, Trinity?" tulad ng inaasahan kong tatanungin niya. Ilang beses na niyang tinatanong iyan sa'kin at sanay na ako.

"Vee, bawal akong bumisita sa kanya doon hanggang sa hindi natatapos ang araw ng parusa niya. Kahit sino man sa amin dito ay bawal. Pero rinig kong pwede na siya makalabas ngayong araw dahil may gagawin daw itong isang aktibidad." paliwanag ko.

Ramdam ko ang paglingon ni Chrizzy sa'kin, "Aktibidad?"

"Oo, iyon naman ang sabi ni Sir Jezphire sa'kin kahapun."

"Kung ganun, wala siyang gagawing school community services ngayon?"

"Maybe..."

Magsasalita pa siya sana ng biglang sumulpot si Veronica.

"If she's allowed to attend her today's agenda, why does she left early this morning?"

"Wala akong alam, Vee."

Nagpakawala na lang siya ng isang malalim na hininga at kinuom ang mga kamay. Bahagyang napabaling naman ang paningin ko kay Mason ng maramdaman ang mga titig niya. At takang-taka ako kung bakit parang ang seryoso ng mga tingin niya sa'kin. Subalit tinitigan ko rin siya at hindi nagpapatalo.

Kung titignan mo kaming pareho ay para kaming naglalaban sa tingin, pero pinipilit kong pakalmahin ang sarili dahil ayaw ko ng gulo. 

"Well, we need to go now." biglang paalam ni Chrizzy.

Tumango at ngumiti rin si Vee sa kanya, "Thank you for the information. Aalis na din kami."

Naramdaman ko ang paghawak ni Chrizzy sa braso ko atsaka ako hinila papasok sa loob ng Southville ng hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan habang nakatingin kay Mason na ayaw rin magpatalo. Mabuti na lang talaga at nahila ako ng sariling kaibigan dahil kung hindi baka kanina pa kami nakipag-away dalawa.

Pagkaakyat namin sa taas ay pinabuti namin na umupo sa sariling upuan. Abala ako sa pagliligpit ng mga gamit ng bigla kong narinig ang pagsasalita ni Axel kaya napatingin ako sa kanya.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala na siya ang kaunang-una taong makaranas ng ganung klaseng parusa." wika ni Axel. 

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon