✓Chapter 81

55 4 32
                                    

Trinity

         "Make sure the Venice is already there. Ayaw kong ako yung pinaghihintay." 

Tahimik at nakatingin lang ako sa katabing bintana habang kinakausap ni Dad ang tauhan niyang inutusan nitong sunduin ang mga Venice. Napapatong ako ng baba sa kamay at nag-iisip kung ano na ang mga nangyayari sa Southville, pero nabablanko ako dahil sa di ko nalalaman na dahilan.

Gamit namin ang van papunta sa puntod ni Mom. Dahil napagdesisyonan rin ni Dad na saglit kaming magbabakasyon para makasama ang mga Venice. Hindi ko sila masyadong nakasama dahil minsan lang din naman sila sumama sa'min para bisitahin ang nanay kong namatay. Sana maayos lang ang pagkikipagtungo ko sa kanila mamaya.

"Trinity, kasama nila sila Red." Bigla akong napatingin sa kanya na nakaupo sa passenger seat at si Tec naman ang nasa driver seat. "Kakauwi niya lang galing London at gusto ka niya daw makita."

"Bakit hindi na lang siya magpahinga?" Sinubukan kong pakalmahin ang boses para hindi niya ako mapagalitan.

"She decide what she wants. She just missed you."

Umiwas ako ng tingin at bumulong, "I don't missed her." 

"Let your cousin sees you."

Tsk! Kung alam ko lang kung ano talaga ang totoong pakay niya. At kung bakit gusto niya akong makita ulit.

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya at mas piniling aliwin ang sarili sa mga dinadaan namin. Kanina ko pa hinihintay ang tawag ni Kenny pero hindi niya pa din ito tumatawag Gusto kong malaman kung ano ang mga nangyayari doon.

Ilang sandali ay napaitlag ako ng marinig ang sinabi ni Dad na nandito na kami. Napatingin ako sa labas at nakitang nasa sementeryo nga pala kami.

Maingat akong bumaba at sinalubong agad ako ng preskong hangin. Tinulungan ko naman sila Tec na buhatin ang mga bulaklak para ibigay iyon kay Mommy. Nauna akong pumasok sa loob ng cottage, kung saan nakalibing ang puntod ng nanay ko. Huwag niyo nang tanungin kung bakit ganitong klase ang puntod niya.

Nilapag ko ang bulaklak sa tabi nito at agad akong lumuhod. Tahimik kong tinitigan ang pangalan niyang nakaukit sa lapida at bahagyang hinaplos iyon. Dad made this a  sacred tomb and special for Mom. Giving her the honor of his love and her sacrifices for us.

"Hi, Mom. I'm sorry, ngayon lang ulit ako nakapunta. Kahit na pinangako kong araw-araw kitang bibisitahin dito. Sadyang masyadong na akong busy sa eskwela... and I'm going to graduate this year." Kausap ko sa kanya habang hinahaplos ang lapida niya. "Ginawa ko po 'yun para sa inyo. I won't waste the time and your wish for me. Even the art... I keep on practicing and hopefully someday, I'll enhance it, perfectly like yours."

Mom is my biggest fan as an artist. She can paint whatever she want and she can make it perfectly. It is where you can only stared it about a long period of time because you cannot help yourself from amazement to her piece.

Buntong hininga akong pinahiran ang luhang tumulo at napangiti nang mapait. Ramdam ko pa din ang sakit pero hindi na siya ganun kalalim. Wala naman akong magagawa kundi tanggapin ang katotoohanang. Wala na talaga siya at di ko na siya kayang buhayin pa muli.

"Tec! Bakit wala pa ang mga Venice?!" Napalingon ako sa gawi nila Dad ng marinig ko siyang nagagalit. "Akala ko ba kanina pa sila nakaalis?!"

Galit na galit na pumasok si Dad sa cottage kasabay si Tec na parang di alam kung ano ang isasagot. Tumayo na 'ko at nilapag naman nila ang mga iba pang bulaklak sa gilid ng puntod.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon