✓Chapter 16

146 40 20
                                    

WARNING:
This chapter will contain of some violence and strong parental guidance!


Chrizzy

Hindi ako makakapaniwala na nangyayari ito. Nag-alala lang ako sa mga tao at estudyante ng paaralan. Maganda nga and ideyang may mga panibagong tao na nasa paligid ngunit kung iisipin ang mga posibilidad na kapahamakan na dala nila. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila pero maliban sa mga taong kakikilala ko lang.

Sobra akong nag-alala hindi lang para sa kanila kundi pati na rin sa sarili ko. Hindi man ako sigurado sa nararamdaman para sa kanila. Ngunit hindi natin malalaman kung makaka pagtiwalaan ba ang mga taong ito. Baka di natin namamalayan kaaway na pala at malalagay pa sa peligro ang lahat.

Kasalukuyang naglalakad na kami sa hallway at bumaba sa hagdan para pumunta Bistro Lima.

"She has guts to say those words to you..." naiinis na anas ni Kenny.

"Mukhang hindi ka pa niya tuluyan nakikilala at basta-basta na lang siya naging ganun kanina." rinig kong wika ni Axel.

"Kung ganun, kikilanin niya muna ang mga taong kinakalaban niya."

I can't blame him. He's right!

Kahit ako nagulat rin sa ginawa ni Veronica kanina. Kung iisipin ay isa lang naman siyang baguhan dito. At kung ano ang nalalaman niya sa amin ay hindi pa ganun kalalim mula sa totoong pagkatao naming apat, lalong-lalo na sa'kin...

"Maybe sooner," kalmadong anas ni Axel na naglalakad sa likod ko. "...they'll know her"

"Talagang malalaman nila kapag tumagal pa sila dito sa Southville. Lalong-lalo na nasa iisang klase lang tayo mula sa kanila. Tignan natin kung ano ang magiging reaksyon nila kapag ginawa nilang babanggain ulit tayo. Magiging masaya ba sila o hihilingin na babalik sa dating paaralan." seryosong wika ni Kenny.

Mahinang tumawa si Axel, "Parang gigil na gigil ha."

"Talaga! Lalong-lalo na yung Veronica na 'yun."

"Mag-iingat ka, Frost. Baka bumaliktad ang mundo mo."

"Aba! Bakit naman?"

"Diba nga. sabi nila. The more you hate the more you love."

Umasim agad ang mukha niya mula sa sinabi ng asawa nito. Muli naman siyang pinagtawanan nito kaya hindi ko rin napigilang tumawa. Kinuha niya na lang ang bag ko ng inabot ko sa kanya saka yumakap sa braso ko habang naglalakad.

"Sigurado akong sinusubaybayan pa rin sila ni Sir Jezphire. Kahit kailan hindi naman siya nakukuntento sa iisang pagsubok lang. Gagawa at gagawa talaga siya ng pinakamahirap na pagsubok para makuha ang hinahanap niya." singgit ni Trinity.

Tumango si Axel, "He's probably gonna' do that."

Ganun talaga si Sir Jezphire. Kahit kami rin naman noon. Hindi niya kami tinitigilan hangga't nakukuha niya ang gusto nitong makita o hinahanap sa amin. Bibigay at gagawa talaga siya ng paraan mapasuko ka lang.

Napalingon ako sa gawi ni Trinity at nakitang napapisil ito sa tulayan ng ilong niya.

"Actually...." singgit ko kaya napatingin sila sa'kin. "Hindi na ako makapaghihintay kung ano pa ang pwede nilang gawin."

"Really, Bunso? Kahit na hindi maganda ang pakikitungo sa'yo ng babaeng 'yun kanina? Mukha pang mayabang."

"Kung mayabang siya. Hindi ako magpapatalo."

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon