Kenny
Ang sarap talaga gumising sa panibagong araw. Sumisikat ang araw at ang sariwa ng amoy ng hangin na parang sariwang dahon ng mga puno, ngunit hindi maganda ang araw ko ngayon!
Mabilis akong dumapa at gumulong sa sahig para iwasan ang tinapon niyang bola. Naghanap ako ng pagkakataon na gawin ang binabalik habang hindi tinatamaan. At nang makakuha ay agad akong tumayo at muling sinubukang tumakbo papalapit sa kanya.
Tamang-tama pagkaangat ko ay hinagisan na naman niya ako bola. Ganun man kabilis ang pagyuko ko at salo sa mga bola para maiwasan akong matamaan. Ang seryoso niyang nakatayo habang sumisigaw ngunit halatang parang nag-eenjoy ito sa pinagagawa niya sa'kin. Kahit gusto ko man mapikon. Subalit hindi ko magagawa dahil parte ito ng pag-iinsayo ko.
Mayamaya pa ay muli akong tumakbo papalapit. Ngunit kung minamalas ka pa naman ay nadulas pa ako sa semento at napahiga sa harap niya. Tumingala ako sa kanya at ganun na lang ang gulat ko ng makitang ngumisi siya ng nakakakilabot.
Isang malakas ang napamura ako sa sakit ng hinampas niya ako ng bola. Napapulotpot pa ako sa sakit pero agad din napabalikwas ng hinampas niya ulit ako. Mabuti na lang nakaiwas agad ako.
'Di ko na inaksaya ang oras kong agawin ang bolang nasa kabilang kamay niya ng makakita ng pagkakataon. Kaya, mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya para kunin sa kaliwang kamay niya iyon. Agad naman siya tumigil sa paghagis at paghampas. Hingal na hingal naman akong napatayo sa harap niya habang nagpipigil ito sa pagtawa.
"You need to learn more about flexibility and coordination with you brain, Frost." komento ni Coach Gee, ang coach ko sa basketball team.
"Soon..." hingal na hingal kong anas. "...Coach."
Napailing-iling ako at bumagsak rin sa sahig dahil sa pagod.
Mahigit ilang oras na kami nagtitraining at wala pang pahinga. Walang awa talaga ang coach kong 'to. Ni pinakausapan niya akong mag-insayo ngayong na mag-isa kaya wala dito ang mga ka teammate ko. Kinakailangan ko daw gawin ang bagay na ito para mas lalong lumakas ang team namin sa susunod na laban.
Ngunit, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang hina na ng katawan ko.
Bakit ba kasi biniro ko pa siya kanina habang pumipili ng warm-up? Ayun tuloy. Imbis na sa basket namin ipapasok ang bola ay sa akin niya hinahagis.
Mayamaya pa ay may narinig akong sumisigaw mula sa pintuan ng gym kaya dahan- dahan na umangat ang ulo ko para tignan kung sino ang taong iyon.
"Frost! Anong oras na?!" bulyaw ni Axel.
"T-teka..." parang bulong ko dahil sa pagod.
"Huy! Naririnig mo ba ako?!"
"S-sandali!"
Narinig ko ang pagtawa ni Coach Gee, "Looks like your boyfriend is here."
Agad na umangat ang ulo ko sa kanya ng inasar na naman niya ako.
Nakaupo na pala siya sa lalagyan ng mga bola at nakapatong pa ang isang braso sa bola habang nakakrus ang dalawang binti. Mabilis na napaupo ako pero narinig ko na naman ang pagtawa niya.
"Coach, naman eh! Ang ganda ko naman masyado na magkaroon ng boyfriend. Flawless ba ako?" depensa ko.
umiling-iling siya habang nakangiti, "Frost, I always see you as a woman."
"Anak ng napakagwapong anak ni Kenny Dez Frost! I'm not gay!"
"Hindi naman talaga dahil isa kang ganap na babae."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...