Trinity
Kanina p akong nakasandal sa motor ko habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. Gumagabi na at medyo madamig tao din ang lumalabas dahil malapit lang yung isang mall mula dito sa residence. Ala syete na at talagang madaming tao gumagala. Pero kung hindi lang mahaba ang pasensya ko ay kanina pa ako nainip sa kakahintay dito sa baba ng parking lot ng residence. Nilalamig na ako pero wala pa ding babae na sumilpit.
Saan na ba kasi iyon?
Napabunga ako ng hangin at napasuklay ng buhok gamit ng mga darili. Hindi ako nagagalit o naiinis dahil ang tagal niya ngunit dahil masyado siyang matigas at matapang para hindi matakot sa parusa na binigay ni Sir Jezphire sa kanya. Kung tutuusin hindi na ako dapat mag-isip ng ganun. Isang baguhan lang naman siya at hindi niya ganun kaalam ang pasilidad ng gawin ng sariling principal. Siguro sa pakiramdam niya hindi nakakatakot o malala yung parusa na iyon. Mukhang hindi na ngayon dahil siya ang kaunang-una tao na makaranas ng ganung klaseng parusa sa buong Southville.
Di talaga ako sangayon sa parusang ito dahil isang complete lockup iyon sa isang sild na walang ibang gamit kundi ang sarili mo lang. Kaya nga, hindi ito legal kaya gusto kong pigilan si Sir Jezphire. Subalit, sadyang matigas siya at gustong-gusto talaga niyang ipapatupad sa babaeng ito. Lalong-lalo na isa pa rin siyang estudyante ng Southville. Naiisip din ba niya kung ano ang magiging reaskyon ni Dad sa ginawa niya. Hindi lang siya magugulat kundi maging usap-usapan na kami ng buong Las Piñas.
Abala ako sa paglalaro ng tali sa suot kong jacket ng may napansin akong taong nakatayo sa harap ko. Mabilis na napaangat ako ng tingin at agad na bumungad sa'kin ang babaeng kanina ko pang hinihintay.
"Do you know what time is it?" malamig na bungad ko sa kanya.
Umayos ako ng pagkakatayo at Kita ko naman ang dahan-dahan niyang paglapit sa akin.
Napatingin pa ako sa suot niya at mabuti na lang nakasuot siya ng komportableng damit dahil kung hindi mababawasan ang oras namin ngayon.
"Hinintay kita ng halos kalahating oras, bakit ngayon ka lang sumulpot." seryosong sermon ko habang ang kaliwang kamay ay nasa loob na ng bulsa ko. "Alam mo bang kung gaano kalayo ang pinapagawa ni Sir Jezpihre?"
Nanatiling tahimik at blanko lang ang mukha niya habang nakatingin sa'kin.
Mabuti na lang talaga hindi ako galing sa bahay dahil kung hindi. Wala siya sanang kasama ngayon at hindi din sana ako nadamay sa problema niya.
"Hindi ko kasalanan na maghintay ka ng matagal. Sadyang maaga ka lang." pilosopong tugon niya.
Natawa ako ng mahina at napailing-iling, "Fairly well. I am not here to fight with you. I'm here to go with you, and I won't work with someone who hate me."
"I didn't hate you..."
"It's good to hear th---"
"And I didn't try to fight with you."
Umatras naman ang dila ko sa kanya at mas lalong tumitig sa mga mata nito. Ngunit ng mabuhayan dahan-dahan akong humakbang papalapit hanggang sa isang puwang na lang ang namamagitan sa amin.
"Then, let's work together..." Sabay lahad ko ng kamay sa harap nito. "... Can we?"
Nanatiling nakalahad pa din ang kamay ko para sana makipagkamayan. Ngunit tinitigan lang niiya ang kamay ko at inangatan ako ng tingin. Mukhang sinusubukan niya akong basahin kung talaga bang seryoso ako sa sinasabi ko. Kaya, direktang tinitigan ko din ang mga mata niya. Napangisi naman ako sa kanya ng tuluyan na niyang tanggapin ang kamay ko at dahan- dahan na nakipagkamay.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Actie| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...