✓Chapter 78

54 8 37
                                    

Trinity

    "Damn! Ang lakas mo, Tomboy. Pambihira!... kalahating lalake ka nga." Angal agad ni Kenny ng makababa na silang pareho.

"At least, hindi ako katulad mo na parang bang babae kung lumaban." At sabay ng malakas na tawa ni Vee, na kinaasar niya pero hindi lang si Vee ang narinig naming tumatawa at sa paglingon ko, di ko inaasahan ang tao na 'yun.

"Thanks for the compliment, Frost. Such an honor." Tama ba yung pagkakadinig ko sa paraan ng pananalita ni Master Quinton?

"Wag mong masyadong palakihan ang ulo... baka sumabog."

Sunod-sunod ang pagkunot noo ko sa kanilang dalawa pagkatapos kong masaksihan ang asaran nila, na mukha bang matagal na silang magkakilala.

"Looks like... they got pretty long with Master." rinig kong wika ni Claudia. "Masyado na silang malapit sa isa't isa. Tsk!"

Masyado na akong nalunod sa iniisip ko ng biglang tinawag ng Emcee ang pangalan ko.

Bahagya akong nagulat pero agad din naman nakabawi. Ako na yung susunod na pagduduel and damn! Hindi ako mapakali.

"Yiee! Congrats and Welcome to black belter, Vee. Sa wakas! Dream come true..." naririnig kong masiglang pagbati ni Chrizzy."...pero sad to say, magsashutdown na."

Tumawa naman si Vee sa kanya, "Ano ka ba?! Sus! Di naman mahirap ang laban na 'yun... kaya thank you for making it so easy for me, BAKLA."

"Tsk! Nagkataon lang na wala sa kondisyon ang katawan ko at pinalad ka lang kaya ka nanalo... pasalamat ka mahal kita."

Mayamaya nagulat ako sa biglang paghawak ni Master Pierre sa balikat ko kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Ready?"

"May magagawa pa ba ako?"

"Basta lagi mong tatandaan. Wag masyadong magpapadala sa emosyon mo at maaaring mawalan ka ng kontrol sa sarili." Alam na alam niya na talaga ang kahinaan ko.

Huminga ako ng malalim at sinubukan na pakalmahin ang sarili ko. Medyo natatakot ako hindi dahil sa kung ano pero tulad sa sinasabi ko, sarili ko ang kinatatakutan ko.

Nagising ang diwa ko ng bigla akong tinawag ng Emcee para tanungin kung anong klaseng pagkikipaglaban ang gagawin namin.

Wala akong may naisip kundi labanan ng kamay na lang. Mas masisiguro kung makokontrol ko ang sarili kung walang sandata.

"Yun ang kinaunang-una na pinili mo para magkikipaglaban..." May bahid na kung anong wika niya habang sinasalubong ang mga mata ko. "Sigurado ka ba sa desisyon mo?"

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon