Trinity
"Aah! Can you take it easy? Ang sakit!"
"Ano ba ang gusto mong gawin ko? Mararamdaman mo talaga ang sakit kaya tiisin mo na lang. Mayamaya di mo naman 'yan mararamdaman."
Napahinto ako at napabuntong hininga ng pinigilan na naman niya ako kaya pabagsak akong medyo lumayo sa kanya at inis na tinitigan siya.
"Why are we here on the floor?"
"Because I fell?" pilosopong tugon niya.
"You make me suffer."
Napasuklay ako ng buhok sa inis saka mabilis na tumayo.
"Stand up." utos ko.
"How? Nakikita mo bang sumasakit yung paa ko, Palmetto?"
Bilib talaga ako sa babae na'to. Di marunong tumaray o umaktong nang-aasar man lang. Di ko makikita sa mukha at gawi ng pananalita niya.
Di ko siya pinansin at umikot sa likod. "Ano ang gina--- Aah! Sh!t! Put me down!"
Binuhat ko siya kahit na nakaupo pa rin ito at naghanap ng pwedeng mauupuan.
Mukha na kaming baliw at ewan na nakaharang sa daan habang tinutulungan ko siyang gamutin ang paa niya. Ngunit ang tigas ng ulo, ang likot kahit binubuhat ko na nga ang likot pa rin.
"Wag malikot, Shishiu! Ang bigat mo." Saway ko at ng may nahanap agad kong binagsak doon saka umupo sa tabi niya sabay abot ng ice bag para sa paa niya. Di naman malala yung nangyari sa paa niya medyo namamaga lang ng kaunti dahil sa pagkadulas niya kanina.
Dahan-dahan niyang tinanggap ang inabot ko at maingat na nilagay iyon sa paa niya.
"Mabuti at napag-isipan mo din." mahinang bulong niya pero naririnig ko pa rin.
Magsasalita na sana ako ng pareho kaming napabaling ng paningin, nang may narinig kami ng mga sigaw at tawanan sa di kalayuan.
"Bagay nga silang dalawa. Mga sakit sa lipunan." komento ko habang nakatingin pa rin doon. "Mayabang sa salita pero wala naman ipapakitang lakas."
"Who is he again?" rinig kong tanong niya.
Napaiwas agad ako ng tingin ng bigla niya naman tinadyakan ang babaeng nakadapa na sa lupa habang umiiyak na sa sakit. Pero wala siyang pakialam at patuloy lang sa pagbugbog sa kanya.
"He's Rex... Abby's Boyfriend."
"Ano ba ang meron?" Bigla akong napabaling ng paningin sa kanya pero di siya nakatingin at nanatiling nakatutok sa ginagawa ni Rex sa isang estudyante.
"What do you mean?"
Napabuntong hininga siya at binaling ang paningin sa'kin. "What is the purpose of ranks and the Association in M. A. C ? Ano ang maigagawa 'nun sa organization?"
Kagat labi akong umiwas at tumingin uli sa ginawa ni Rex pero bigla akong natigilan ng sumulpot bigla si Abby kung saan at mukhang pinapagalitan si Rex.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...