✓Chapter 3

292 57 40
                                    

Trinity

Focus, Wexler!

Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang buong paligid. Kinalma ko ang sariling isip para iimahe ang mga bagay-bagay na gumagalaw. Mayamaya pa ay bigla akong napabaling ng ulo ng may naramdaman akong parang bagay na gumalaw sa kaliwa. Nakapikit ang mga mata ko dahil ito ang nais niyang ipagsasanay sa'kin.

'Di naman ito kabilang sa bagay nainteresado kong gawin. Pero gusto ni Dad na matuto akong depensahan ang sarili para matutunan kong iligtas ang sarili ko sa oras ng panganib. Isang pisikal na pag-iinsayo, teknik sa paglaban, at kung paano gumamit ng pana. Hindi sana mabibilang ang pagtuto ko sa pagpana ngunit inalok iyon ni Master Pierre para mas lalong tumalas ang mga mata' kamay ko sa pakikipaglaban.

Napangiti ako nang maramdaman na malapit na siya sa'kin. Kinalma ko ang sarili saka inabangan ang paglapit niya. At nang maramdaman at naririnig ko na siya ng lubusan. Agad kong inangat ang sariling arnes at hinampas sa kanya iyon. Ngunit nagawa niyang harangan ito gamit din ng sariling sandata.

Binigyan naman niya ako ng pagpupugay dahilan para mapangiti ako sa tagumpay.

Tuluyan ko ng minulat ang mga mata at muli itong gumalaw sa ibang direksyon para pumwesto at basta na lang ako inatake bigla. Muli ko rin naman sinangga ang hawak na arnes ng paulit-ulit hanggang sa mapalakas ang paghampas ko sa sandata niya, dahilan para mabitawan nito. Mabilis ko rin tinutok sa leeg niya ang dulo ng sandata ko, na ang ibig sabihin ako ang panalo sa laban namin.

Sumilay rin sa mga mata niya ang takot at pagkatalo. Agad akong napangisi bago binaba ang hawak at nakipagkamayan sa kanya.

"Thank you for your time." nakangiting wika ko.

"Isang malaking parangal na nagawa kitang sanayin, Wexler. Ilang taon na simula nung ako ang naging Master mo at sa loob ng ilang taon na 'yun. Hindi mo pa ako kayang talunin pero tignan mo ngayon. Masaya na akong makita ang resulta ng paghihirap mo, Trinity. Hindi na sayang ang paghihirap kong sanayin ka araw-araw." pagpupugay niya.

Mas lalo akong napangisi, "Ano pa ba ang aasahan mo mula sa taong kasing galing mo?"

"I'm not used to received compliments, Trinity."

Napakagat labi na lang ako dahil sa tuwa ng marinig ang bawat salitang binitawan nito.

Ilang taon ko ng naging tagapagsanay si Master Pierre. Ilang taon pagsasanay para maging malakas, maging mabilis at maging isang mabangis. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil kahit gaano katigas ng ulo ko sa pagsasanay ay hindi niya ako tinatakwil at sinasaktan. Masyadong mahaba ang pasensya niya para sa'kin at nagpapasalamat ako doon.

"Kamusta ang eskwela mo?" biglang tanong niya habang papasok na kaming dalawa sa loob ng gusali ng Manila Polo Club.

Mas nakasanayan naming mag-insayo malayo sa mata ng mga taong nakakapaligid. Gusto iyon ni Dad at ayaw akong maistorbo sa ginagawa.

"Wala pa rin naman pinagbago. Maliban sa merong gaganapin na team house games na tinawag nilang School of Survival." tugon ko.

Agad kumunot ang noo niya, "School of Survival? Hindi ba iyon yung activity na ginagawa niyo tuwing magtatapos ang taon?"

"Oo, pero napag-isipan nilang palawakin iyon ng mga ilang buwan. Mukhang maayos naman ang planong 'to. Ni inibitahan pa niya ang mga sister school ng Southville para maki-nuod sa magiging laro namin."

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon