Trinity
Kasalukuyang naglalakad na kaming lahat para tahakin ang daan papuntang Cafeteria. . Pagkatapos kasi ng awarding's kanina kung sino ang panalo ay agad silang nagyayaang kumain. Gusto nilang mag-celebrate dahil sa pagkakapanalo namin sa Math Quiz Competition.
Sanay na ako sa ganitong eksena dahil pagkatapos ng kahit anong event o competitions ay palagi may ganitong pagdidiwang. Deserve naman namin ito kaya dapat lang kami magsaya ngayon.
"Alam niyo bang halos mawalan na ako ng boses kanina sa pagchi-cheer sa inyo! Pero buti na lang nanalo kayo doon." masiglang wika ni Vee habang nandito na kami sa Cafeteria at nakaupo sa lamesa namin.
"Oo nga eh. Rinig na rinig sa buong hall yang bunganga mo." asar ni Kenny.
Agad na bumaling ang paningin niya sa kanya at sinamaan ito ng tingin. Wala siyang magawa dahil ang layo ni Kenny. Medyo matagal-tagal na din kaming magkakasama ni Vee at sa kaunting panahon ay parang nakilala ko na rin ang ugali niya. Lalong-lalo na kapag na iinis o nagagalit ito.
Pagdating namin dito kanina ay agad na pinakuha ni Kenny yung mga pagkain namin sa isang CUART. Walang hiya talaga ng baklang 'to! Pasalamat siya at ang taas ng tingin sa kanya.
"Huy! Baklang kabayo! Pasalamat ka, ang taas ng rango mo sa Student Council at hindi kita pwedeng saktan dyan. Pag may pagkataon lang talaga maabot kita diyan sa kinauupuan mo. Susuntukin talaga kita." inis na inis na sambit ni Vee.
Tawang-tawa naman kami sa mga binitawang salita ni Vee. Samantala, namilog ang mga mata ni Kenny at binalingan ng tingin si Chrizzy. Bahagya umusong naman siya papalayo mula kay Kenny ng tutukan siya nito ng tinidor.
"Anak ng anak ko! Bunso?!" pagbabanta niya.
Tinaas lang ni Chrizzy ang dalawang kamay, "Anong ako na naman? Wala akong ginawa."
"Pag nalaman ko talagang may ginawa ka. Humanda ka sa'kin." nagigil na banta niya habang tuluyan ng nakahiga si Chrizzy kay Vee.
"Subukan mo lang saktan ang babae na 'to. Ako talaga ang makakaharap sa'yo. Maghintay ka lang makaabot ako diyan sa upuan mo." Biglang pumagitna si Vee sa kanilang dalawa.
Mas lalo pang lumakas ang tawa ng lahat ng biglang namulta si Kenny sa sinabi niya. Mukhang hindi niya inaasahan ang gante ni Vee sa kanya. At kitang-kita talaga sa braso niya ang biglaang pagtayo ng mga kaluluwa nito. Binelatan siya ni Chrizzy kaya mas lalo siya nitong tinutukan.
"Get rid of that or you want me to stab you." malamig na singgit ko habang nakakatutok ang barbecue stick ko sa kanya.
"HEHE! Nililinis ko lang yung mukha niya ma dumi kasi eh." palusot pa niya at may kung anong kinuha sa pisngi ni Chrizzy saka umayos ng upo.
Umayos na rin ako saka kumagat sa barbecue ko. Tumingin ulit ako sa kanila at hindi pa rin umaayos sa pagkakaupo si Chrizzy. Umiling siya kay Kenny kaya sinamaan siya nito ng tingin.
"Sabi ko, umayos ka na din." pabulong na sabi ni Frost.
Umiling ulit si Chrizzy sa kanya, "Kilala kita, Frost. Wag ako."
"Hindi na nga. Kita mo ba siya? Gusto mo bang patayin niya ako dito? Dito ka nga." Sabay hila ulit kay Chrizzy papalapit sa kanya. Napailing na lang ako nang ako na naman ang nakita niya. "Nagseselos ako sa'yo. Niyayakap ka kasi ng tomboy diyan."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...