✓Chapter 59

112 32 38
                                    

Kenny

     Salamat naman at natapos ko na din sa wakas. Pambihirang mga kaibigan talaga. Iniwan na nila akong mag-isa dito sa opisina. Humanda lang talaga sila sa'kin!

Nag unat-unat pa muna ako ng braso bago tuluyang inayos ang video at documents para sa SISFU. Sinisave ko kaagad iyon sa Flash Drive para masigurong safe na safe ito saka pinatay ang sariling laptop at lumabas ng Student Council Office.

Ganun na lang din ang gulat ko ng mapagtantong gumagabi na pala sa labas. At wala man lang silang awang pinuntahan ako para yayaing umuwi?! Nakakainis! Mga walang puso talaga ang mga kaibigan ko. Hindi na ba nila ako mahal? Huy! Huwag naman. 

Bumaba na ako sa hagdan ng biglang nahagip ng paningin ko si Sir Jezphire na may kausap sa cellphone. Hindi ko masyadong maririnig ang pinag-uusapan nila. At mukhang hindi niya rin ako napapansin kaya hinayaan ko na lang.

Pagkababa ko sa ground floor ay halos nagsitayuan lahat ng balahibo ko ng bigla akong hawakan ni Abby sa balikat, nang bigla itong sumulpot sa harap ko.

"Mr. Frost." malanding bigkas niya sa apelyido ko.

"Abby---"

"Wanna night?"

"N-no, thanks." Sh!t! Halos tumalon ang puso ko ng bigla bumaba ang hawak niya sa dibdib ko.

Hinuli ko kaagad ang kamay niya, "HEHE! Sorry, Abby." 

"Tsk! Why, Kenny? Ayaw mo ba sa'kin? I give you a nice offer."

Mabilis na pinigilan ko siyang makalapit at umatras ng bahagya.

"Nasaan ba si Rex? Bakit ako na naman ang napag-isipan mong pagtripan ngayon?" nadidiring sambit ko at tinulak siya ng mahina para lumayo sa'kin.

"He's not around." dismayadong tugon niya. Pinaikot pa niya ang dalawang eyeballs nito saka napalagutok ng dila. "He's busy and I have no playmate. So, play with me."

Anak ng! Laruan ba ako?

"I'm not a jerk, Abby! I don't have the guts to taste human like you."

Sumimangot kaagad ang mukha niya ng marinig ang sinabi ko. Umatras pa din ng bahagya para lumayo. Lihim na napahinga naman ako ng maluwag sa ginawa niya. Saka ko lang napagtantong nakainom pala ito kaya pala mukhang lasing ang itsura niya. 

Pambihira! Nakainom lang tikim agad? Lintek!

"Get some rest, Abby. Find your friends to help you out here. I have to go!" dagdag ko.

Nilagpasan ko na siya pero hindi ko inaasahan na pipigilan niya ako. At sa isang iglap natagpuan ko ang sariling hinahalikan siya ng ilapat nito ang mga labi sa labi ko.  

"What the f*ck?!" Halos maitulak ko siya papalayo mula sa'kin at natatarantang pinunasan ang bibig ng bigla kong namataan si Vee na lumabas galing sa cafeteria. Mabilis na napaikot ito patalikod habang nanlaki ang mga mata. Malakas na napamura ako ulit ngunit narinig ko lang ang pagtawa ng malanding babaeng nasa harap ko. 

"Mmm! Taste good..." lasadong sambit niya.

Magsasalita pa lang sana ako ng bigla siyang napalingon sa kanan nito. Napasunod ako at sa pangalawang pagkakataon tumalon na naman ang puso ko dahil sa gulat. 

"Hi, Vee! Sorry, nakita mo pa kami." nakangising aniya. 

Bahagyang ngumisi si Veronica sa kanya, "That wasn't entertaining..." 

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon