Kenny
Nakangiting nakipagkamay kami sa kanila ng inanunsyo na ni Trinity ang Top 2 na magcocompete bukas. Kakatapos lang namin maglaro at napabilang kami sa top 2 kasama ang mga Golden Griffins.
Go, Maroon Dragons....
Nakakalungkot para sa team ng mga Blue Titans dahil hindi nila nagawang umabante sa next round. Ngunit, hindi ko rin sila masisi. Magaling ang Golden Griffins at competitive din ng team nila kaya hindi nakakapagtataka kung bakit. Samantala sa grupo namin ay wala kaming magagawa dahil kami ang ginawang representative ng Maroon Dragons. Mabuti na lang talaga at wala kaming ginagawang activity para sa SOS.
Lumapit na ako sa panghuling membro ng Golden Griffin at nakipagkamayan. Agad din akong lumapit kay Axel kung saan ito nakatayo habang hinihintay kami na makatapos bumati. Ngunit pagkapwesto ko pa lang sa tabi niya ay bigla kaming sinalubong ni Chrizzy at pinagsabay kaming niyakap.
"Bunso, nasasakal ako!" bulyaw ko.
Narinig ko ang pagtawa niya, "Congrats, mga kuya!"
Hindi naman nagtagal at pinakawalan na din niya kami. Agad akong humigop ng hangin ng mabitawan niya ako.
"Bunso, papatayin mo ba ko?" reklamo ko habang nakapamewang na humihinga ng malalim. "Anak ng ahas na man!"
Hinawakan ako ni Axel sa balikat, "Ayos lang 'yan, Frost."
"Saan doon yung maayos, Everhart?"
"Yung mamatay ka na." tugon ni Chrizzy.
"Wow! Sana nilibing mo na lang ako."
Pinagtawanan lang niya ako, "Sige, sa susunod. Didiresto na lang kita sa sementeryo."
"Congrats nga rin pala sa'yo, Vargas." bati ni Axel.
"Yeah! I'm so proud of you!" Pumapalakpak pa siya sa tuwa habang malapad ang mga ngiti sa labi. "Di na ako nagkakamaling isang Maroon Dragons nga talaga kayo!"
"Well, nandito kasi ang lucky charm niyo--- Aray! Bunso!"
Sinusuklay ko lang naman ang buhok gamit ng mga kamay ng kinurot niya ako. Magrereklamo na sana ay agad niya akong hinampas at binatukan naman ako nila Axel.
Anak ng! Pag bumaba talaga ang IQ ko baka magkakapatayan kami dito!
Hinarap ko ulit si Chrizzy at seryoso siyang tinitigan sa mata. Bahagya pa akong humakbang papalapit pero umatras ito.
"May kasalanan ka pa kanina sa'kin tapos ganituhin mo ko?"
"Oo nga noh? May kasalanan rin 'yan sa amin." dugtong ni Axel.
"Ha? Wala kaya akong ginawang masama."
Tumingin ako sa kanilang dalawa ni Axel at Trinity. Mukhang nag-iisip ang mga ito kung ano ang ginawa niyang mali kanina.
Mayamaya pa ay dahan-dahan na lumingon silang dalawa sa kanya. At kukhang alam ko na ang gagawin namin.
"Don't you dare..." pagbabanta niya.
Ngumisi si Axel, "Oh, we dare."
"Huy, pagod ako! Maawa kayo sa'kin!"
"Maawa? Ni hindi nga ka nga naawa sa amin."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...