✓Chapter 56

101 32 22
                                    

Chrizzy

         Napag-isipan kong puntahan ang mga function halls ng gusali, nagbabasakaling makikita ko doon si Maureen. Pero, ilang libot pa lang ang nagawa ko. Hindi ko pa din siya nahahanap. Kahit man lang anino niya ay walang lumitaw. 

"Where the hell did Maui go?" tanong ko sa sarili habang napalinga-linga sa buong paligid.

Alam kong binibiro lang siya ni Trinity kanina pero di ko akalain na pati ako ay matatawa sa birong iyon. Ni naman sa ano at alam kong seryoso ang mga taong may food allergies. Pero hindi mo talaga matatagong nakakatawa dahil sa manok pa talaga. Pwede naman sana kung seafood lang pero yung pinaka paborito ng lahat. Ang saklap naman nun.

Sa kabilang ng pangyayari kanina ay hindi ko din mapigilan makaramdam ng kirot sa puso. I never saw Trinity laughed like that anymore. Iyon na naman ulit ang pagkakataon na tumawa siya ng ganun. It hurst to know, she's the reason why Trinity laughed. I was hoping that I could be the one behind his laughter's but maybe not anymore.

Hinablot ko bigla ang phone mula sa bulsa saka sinagot ang tawag na nagmula kay Kenny. Ngunit ganun na lang kabilis kong inilayo ang phone sa tenga dahil sa sobrang lakas ng boses niyang sumalubong sa'kin.

"Bunso!" Anak ni Kenny!

"Ang p*ta, Kenny! Ang sakit sa tenga ang bunganga mo!" inis na inis kong sigaw rin sa kanya.

Narinig ko naman ang pagtawa niya, "Bumalik ka na kasi dito sa SISC. Nagtext sa'kin si Wexler. Nakita niya na daw si Maureen."

He found her first...

".........."

"Huy! Bilisan mo diyan. Nasa gilid ng football field sila." 

That was so fast, Trinity. So, fast.

I close my eyes and I felt my tears falling down in my face.

"Bunso? Bunso? Naririnig mo pa ba ako? Huy! Bunso!"

Napaitlag akong pinahiran ang luha at huminga ng malalim. "Y-yeah...." 

Bumuga ako ng hangin saka nagsimulang maglakad papunta sa kabilang campus ng Southville.

"Sige, bilisin mo dyan. Maglalaro kami ng Frisbee at nagdala na rin kami ng gitara baka gusto mong kumanta. Dali!" masayahing wika niya at mukhang tumatakbo pa ito ng mabilis kaya medyo napabilis rin ang lakad ko.

"Oo na. Andyan na." nagmamadaling anas ko at tinapos ang tawag niya.

Pambihirang Kenny talaga! 

Malapit na ako sa SISC at takbo-lakad na ang ginagawa ko para makarating lang kaagad doon. Ngunit natigilan ako bigla ng may sumulpot sa harap ko. Pagtingin ko sa kanya halos lunukin ko lahat ng emosyon.

"Shock, partner?" asar niya habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib niya.

"Of course. I'm shock, Claudia. Can't you see it? Paano ako di magugulat ng may biglang sumulpot na demonyo sa harap ko." gante ko at aakmang aabutin niya ako pero mabilis ko siyang napigilan.

"Damn you, Raine!" Sabay bawi ng braso niyang hawak ko.

Napangisi ako, "You loved me."

"Hindi ako ang demonyo sa ating dalawa! Ikaw! Ikaw ang demonyo!" galit na galit niyang sigaw sa mukha ko.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon