Ang mundo natin ay binuo para sa mga iba't ibang tao. Walang kahit sino ang magkapareho dahil tinakda iyon upang tayo ay magkaisa mula sa kaibahan ng bawat isa. Mahirap man mabuhay sa mundong sari't sari ang pangarap sa buhay ngunit kahit magkaiba, meron pa rin palang isang bagay na pwedeng pareho kayong gustong makamit. Basta alam mo lang lumaban sa kung ano ang mas nakakarapdapat sa'yo. Nang una kong imulat ang aking mga mata. Di ko alam kung bakit o nasaan ba ako. Ni hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nabuhay sa mundong ito. Kahit kaunting alala mula sa nakaraan ay hindi ko maisip.
Alam kong nakahiga ako sa parang isang maaaninag na higaan. Medyo malabo ang mga paningin subalit may nakikita akong linawag. 'Di ko alam ko kung ano ba talaga ang nangyayari sa paligid ngunit nakakaramdam at nakakarinig ako.
May mga bagay na gumagalaw na maputi at nakapalibot sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang mga iyon kaya marahas akong napapikit at minulat ulit ang mga mata. Mayamaya pa may narinig ako mula sa isa sa kanila. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya pero unti-unting pinaproseso ng utak ko at naging mabilis ang pagkakaintindi ko sa bawat salitang binibitawan nito.
"Check her vital signs." maawtoridadong utos niya. "Is everything is stable?"
Kita kong may gumawala ulit sa kanila, "Mr. Beckett, good day. We already monitor her vital signs."
"How about her labs?"
"We are done examining her labs right after Mr. McKnight sent us some request."
"Good." tipid niyang komento.
Muling pinikit ko ang mga mata ng may naramdaman akong kirot mula sa bagay na pinasok nila sa'kin. Napabaling ako ng ulo nung sa pakiramdam kong umiikot ang paningin ko. May sunod-sunod ding may pumapasok na mga imahe sa isip ko. Sobrang sakit sa pakiramdam iyon na para bang wawasakin niya ang utak ko sa patuloy na lumalabas na mga imahe.
"Is she's done?" rinig kong wika ulit nung lalake.
"Yes, Mr. Beckett. Our operation went well. Her condition has stabilized, and she may be ready to go whenever you say."
Ipinilit kong imulat ulit ang mga mata at sinalubong ako ng isang imahe ng lalake. Ngunit ganun pa rin ang paningin ko, hindi ko pa rin siya makikitang ng mabuti.
Mayamaya ay naramdaman ko ang paggalaw ng aking bibig at kung may anong nagawang ingay. Subalit agad din akong huminto ng makaramdaman nang sakit kapag ginagalaw ko iyon. Kaya, huminga ako ng malalim ng bahagyang nahihirapan akong lumanghap ng hangin.
Ilang sandali parang naririnig ko silang nag-usap ulit ngunit hindi ko naiintindihan ang mga lengguwaheng iyon. Gusto kong malaman iyon dahil mukhang seryoso ang mga pinag-usapan nila.
"It's good then," Bakit ba ang hirap huminga? Nananakit na ang dibdib ko sa paghihirap. "Call him and tell him to finish it, and come back here immediately."
"But he's under an important mission, Mr. Beckett."
"Nothing is more important to him except this case we were working for." parang nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng marinig ang seryosong boses nito habang nakatingin sa isang lalakeng nakatayo sa kaliwa ko. "So, call him. He will answer you."
"Hai, Beketto-san."
Muli kong binaling ang ulo at sinusubukan na huminga ng malalim. Mas lalo akong naghahabol ng hangin na sasangkapin ngunit wala akong nakukuha. Mayamaya pa may naramdaman akong isang bagay na nilagay nila sa'kin na sakop ang ilong at bibig ko. Agad nagumaan ang pakiramdam ko sa bagay na iyon. Ni bahagyang kumalma na rin ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 1
Action| COMPLETED | Ang buhay na inaakala niyong perpekto sa buhay ng isang Trinity Flynn Wexler ay iisang nakapahalagang responsibilidad na pilit niyang kinakamit. Dalawang dekadang paghihirap at sa wakas nakuha niyang alamin kung ano ang magpapa...