✓Chapter 47

100 35 37
                                    

WARNING:
This chapter will contain of some violence and strong parental guidance!

Someone

               Nakayuko lang ako habang naglalakad kami ni Mama papasok sa eskwela. Hawak niya ang kabilang kamay ko at nakatingin ako sa paanan ko. Mayamaya sumakay na kami sa tricycle at pinauna niya akong pinaupo.

"Faith, anak. Magpakabait ka doon ha? Alam ko naman hindi mo kayang makipag-away doon. Basta magingat ka lang, susunudin ka lang ni Mama mamaya wag kang aalis ng school mo ha?" paalala ni Mama sa'kin ng makarating na kami sa harap ng eskwelahan ko. Napamasid ako sa buong paligid ng may naririnig akong mga bulungan.

"Sige, anak. Mauuna na si Mama." At sabay halik sa noo ko.

"Opo, Mama." saad ko at hinintay niya akong makapasok mismo sa loob ng paaralan.

Habang naglalakad hindi ko mapigilan na umiwas at yumuko dahil alam kong ako na naman ang pinag-uusapan nila. Simula nung pagpasok ko dito ganito na ang trato nila sakin. Masyado kasi kaming mahirap at sila ay may kaya talaga. Wala kaming laban sa kanila kahit yung mga bagay na meron sila ay wala talaga samin.

Mayamaya pa ay bigla akong napaupo ng may nabangga akong tao sa harap. Hindi ko siya nakita dahil hindi naman talaga ako nakatingin sa dinadaraan ko.

"Huy! Pag-asa! Ba't pumasok ka pa? Diba wala na nga kayong pera!" Dahan-dahan akong umayos ng upo habang sapo na sapo ang sikong naitukod ko kanina pagbagsak.

"P-pasensya sa ginawa ko---"

"Ano ang dala mo ngayon, Pag-asa?"

Napaiwas ako sa kanila ng aakmang kukunin nila ang dala kong sira-sirang bag.

"Aba! Lumalaban ka na!"

Napasigaw ako ng malakas ng bigla niyang hilain ang buhok ko at kinaladkad kung saan. Masakit masyado dahil hindi semento ang dinadaanan namin kung di mga bato-bato.

"Aah! Amber, tama na! Tama na! Nagmamakaawa ako sa'yo!" Makaawa ko pero hindi niya ako pinakinggan at mas lalo akong kinaladkalad saka niya lang ako binitawan ng makuntento ito. Napaiyak ako ng tinapon niya ako mismo sa mabahong kanal ng paaralan namin.

"Diyan ka nababagay dapat! Hindi dito! Bakit ba kasi binuhay ka pa ng nanay mong adik?! Sana pinatay ka na lang rin kasama ang walang kwentang ina mo!" Napaangat ang tingin ko sa kanya at hindi ko mapigilan na abutin siya pero mabilis niya akong naisipa papalayo uli sa kanya. "Ew! Layuan mo ko! Ang baho-baho mo! Hindi ka ba nadidiri sa sarili mo--?"

"Paano ako magiging ganito kung ikaw naman ang gumawa nito?!" Pinapalakas ko ang loob ko pero wala akong laban. Gusto kong lumaban pero bigla niyang inapakan ang ulo ko para i-sobsob ang mukha ko sa madumi at mabahong kanal na ito.

"Pakialam mo kung ako ang gumawa nun?! Ang problema lang kasi ang hina-hina mo!" At nakahinga ako ng malalim ng bitawan na niya ang ulo ko. Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang bell ng paaralan.

"See you again around, Pag-asa." pahabol niya at tumakbo ng mabilis.

Napahugol ako ng iyak at di ko alam kung ano ang gagawin ko. Ayaw kong pumasok na ganito dahil sigurado akong matutukso o ipapalabas rin naman nila ako ng klase namin. Ayaw ko rin naman umuwi sa tamang oras dahil pagnalaman ni Mama 'to. Sigurado akong magagalit siya sa nangyari sakin.

Assassination Incorporated | SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon